Year of the Pig 2019: Paano ka magiging swerte sa taong ito

Nakausap ng SBS Filipino si Master Hanz Cua kung paano nga ba magiging swerte sa buong taon ng Year of the Earth Pig.

Feng Shui Master Hanz Cua

Feng Shui Master Hanz Cua: "Ito ay patnubay lamang. Nasa inyong mga kamay nakasalalay ang inyong tagumpay." Source: SBS Radio/Master Hanz Cua Facebook page

Itong parating na Lunar New Year, February 5, anu-ano nga ba ang mga ritwal na kailangan nating gawin para mas maging maswerte o maganda ang pasok ng taon.

1. Maglagay ng 12 klase ng prutas

Ilan sa mga prutas na kailangang ihanda ay pinya, mansanas, orange, mangga, suha, melon, pakwan, saging, lemon. Kailangan din maglagay ng prosperity pig.

Lucky fruits
The luckiest fruit is the pineapple. In Chinese, it means good luck coming your way. Source: Pixabay

2. Magsuot ng kahit anong may kulay pula.

Pagsuotin ng kulay pulang damit ang myembro ng inyong pamilya sa pagsalubong sa Lunar New Year. Dahil ang kulay pula ay isang wealth element, sinasabing ito ay magdadala ng good luck sa taong 2019.

3. Maghanda ng noodles.

Tiyaking kasama sa handa ang noodles dahil ang noodles ay nagdadala ng long life at kasaganahan sa buong pamilya.
Noodle dishes
The longer the noodles, the longer you'll live-is what they say. Source: Pixabay

4. Maglagay ng mga luck enhancers sa bahay.

Magandang magsabit ng mga lucky charms, mag-display ng pigs at wealth-inviting cat, piyaw, money catcher, wealth buddha para makaakit ng swerte.
Luck enhancers
Luck enhancers for your home: (From left) Piyao, wealth Buddha, and wealth-inviting cat Source: Master Hanz Cua Facebook page

5. Maglinis at ihanda ang bahay sa pagsalubong sa Lunar New Year.

Ang paglilinis ay nakakapagpabuti ng flow ng energy sa bahay. Kinakailangan ding buksan ang mga bintana at pintuan para makapasok ang liwanag ng araw. Magpakalat din ng mga barya na may kasamang kiat kiat. Maglagay din ng mga money bills ang bawat kwarto. Siguraduhin ding puno ang laman ng iyong bulsa at wallet mo sa pagsalubong sa Lunar New Year. Punuin din ang lagayan ng bigas, asin, at asukal para maging masagana ang buong taon.
Woman opening curtains in bedroom
Open all windows to let the sunshine in. Source: Cultura RF/Getty images

6. Mamigay ng ang pao o red packets.

Ayon sa tradisyon, ang pagbibigay ng ang-pao o red packet ay sinasabing magpapasa ng swerte ng nakakatanda sa mga bata. Mas maganda na ang lamang pera ay may lamang Php 168 o $168o may kombinasyon ng numerong 6-8.
ang pao, new year, rituals, luck
Source: Getty Images

Share

Published

Updated

By Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand