Ibang mga balita: Naghahanda ang mga awtoridad na magsampa ng kaso laban sa isa sa dalawang suspek ng pambobomba noong Bisperas ng Bagong Taon sa labas ng isang pamilihan sa Cotabato City na pumatay sa dalawang katao at sumugat sa mahigit 30 iba pa.
Ang nakatakdang pagbiyahe at pagbalik ngayong araw sa 1,400 tonelada ng mga basura at mga pinutol-putol na plastik mula sa bayan ng Tagoloan sa Misamis Oriental sa pinagmulan nito sa South Korea ay ini-urong sa darating na araw ng Linggo.
Itinutulak ng pamahalaang lungsod Davao ang pagpapalabas sa loob ng linggo ito ng P10 milyon na relief fund na ipinangako noong nakaraang linggo para sa mga lugar sa Luzon at Visayas na sinalanta ng bagyong "Usman."
Ang mga operatiba ng pulisya ay nakakuha ng halos P3 milyon na halaga ng marijuana plants sa magkakahiwalay na pagsalakay noong nakaraang Lunes sa dalawang pangunahing plantasyon sa bayan ng Lapaz, Agusan del Sur.


