Ang pagbubukas seremonya na gaganapin sa Nobyembre 30 ay magtatampok ng mga pagtatanghal na sumasalamin sa kultura Pinoy. Isang lokal na grupo ng katutubong sayaw ay maghahanda ng pagtatanghal at ibibida din ng mga ito ang kasuutan na ginawa ng mga kilalang Filipino designers.
Ilan sa mga kilalang pangalan sa entertainment industry sa Pilipinas kabilang sina Lani Misalucha, KZ Tandingan, Iñigo Pascual, Ana Fegi, Christian Bautista, Aicelle Santos, Jed Madela, at Robert Seña ang maghahandog ng mga awitin.
Kasama din ang mga beauty titleholders, sa pangunguna ni Ms Universe Pia Wurtzbach.



