Pagtitipid at diskarte sa buhay, sikreto ng 33 anyos na nurse sa pagkakaroon ng sariling bahay

tipid tips, first home

Melbourne nurse shares his practical tips for people in their 30s to better manage their money Source: Klyde Navallo

Walang imposible kung may determinasyon at marunong magtiis. Yan ang pinatunayan ng 33 anyos na si Klyde Navallo na ngayon ay nakapundar na ng sariling bahay sa Melbourne.


Higit sampung taon na sa Melbourne ang nurse na si Klyde.  Bago pa makarating sa Australia, naka kundisyon na ang kanyang isip sa mga gusto nyang marating.  

Habang wala pang asawa at anak, pag-iipon ang kanyang pinagkakaabalahan.

Kaya naman habang maaga ay sinimulan nya ang kanyang personal project na pagkakaroon ng sariling bahay.

Una nyang binago ang kanyang lifestyle. Hindi ito madali para sa maraming millennials na YOLO o "You only live once"ang motto sa buhay.

“Bili ka lang ng pagkain sa labas and di ka na maghuhugas ng pinggan but I find it difficult to save if I keep doing it. So have to teach myself and learn how to cook.”

$80-$100 kada linggo ang natitipid nya sa hindi pagkain ng madalas sa labas.  Ang perang naiipon ay inilalagay sa bangko para tumubo.

“I put the money on a term deposit. Before, the interest rate reaches 5-7% kaya at the end of the term may extra cash pa ako”

Para madagdagan pa ang ipon, binawasan din nya ang pagbiyahe pauwi ng Pilipinas at mga international travels. Malaking halaga rin kasi ang nauubos nya sa pagla-lakwatsa.

Kung shopping naman ang pag-uusapan, kinailangan nyang mag doble kayod para mabili ang mga bagay na gusto nya at hindi nababawasan ang kanyang savings.

“I love shopping pero I have to do sacrifices and double my work in order for me to achieve such things”

Pinili rin nyang magrenta noon ng maliit na kwarto sa halip na malaking apartment. Hindi man sya makapag imbita ng mga kaibigan sa lugar na inuupahan, nagkakaroon pa rin sya ng oras sa social life. 

Dahil sa disiplina at pagtityaga, nabuo nya ang downpayment para sa inaasam na bahay at patuloy pa rin sa kanyang pagtitipid para sa iba pang property investments.

Payo nya, huwag gumastos nang higit sa iyong kinikita at pag-isipang mabuti bago bumili ng mga mamahaling bagay kung ito ba ay magagamit ng matagalan o luho lamang. 

Hindi rin masama na magreward sa sarili mula sa perang pinaghirapan pero laging isipin ang kinabukasan. 

"You need to make a list of your priorities and everytime you want to spend, look at those things on your list. "

Sabi nga nila, kapag may tiyaga may nilaga.. Pero kasama din nito ang pagkakaroon ng limitasyon at kaunting sakripisyo sa mga luho para makamit ang inaasam sa buhay.

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pagtitipid at diskarte sa buhay, sikreto ng 33 anyos na nurse sa pagkakaroon ng sariling bahay | SBS Filipino