Chronic kidney disease kinakaharap ng isang Pilipina

kidney disease, filipina

Hindi lubos maisip ng 38-anyos na ina kung paano siya dinapuan ng sakit na chronic kidney disease Source: Babylyn Borgonia

Para sa 38-anyos na si Babylyn Borgonia, hindi niya lubos maisip kung paano siya nagkaroon ng chronic kidney disease. Bagama't mahirap ang kanyang kalagayan, nananatili siyang positibo sa pagtanggap sa kanyang sitwasyon habang naghihintay ng kidney donor—na siyang natitira niyang pag-asa para makasama pa niya ng matagal ang kanyang pamilya.


Highlights
  • Na-diagnose na may chronic kidney disease si Babylyn Bogornia noong 2016
  • Makalipas ang dalawang taon, biniro muli siya ng tadhana
  • Sa kabila ng mga hirap at sakit, nananatili pa ring positibo ang kanyang pananaw sa buhay
Tinatayang nasa 850 milyon tao sa buong mundo ang mayroong kidney disease. Ayon sa World Health Organisation, nasa 1.2 milyong katao ang namatay noong taong 2015 dahil sa kidney failure.

Noong taong 2010 tinatayang nasa 2.3 milyon hanggang 7.1 milyon ang nasawi dahil sa sakit at walang access sa dialysis.


 

Ang sakit na ito ang ay ang hinaharap ngayon ng 38-anyos na si Babylyn Borgonia mula sa probinsya ng Laguna at naninirahan ngayon sa Cairns sa Queensland.


Ayon kay Babylyn, hindi niya akalain na tatamaan siya nito. Wala raw siyang naramdamang ibang sintomas kundi ang ilang araw na pananakit ng balakang. Ipinamasahe raw niya ang kanyang balakang pero talagang kakaiba raw ang sakit.

Taong 2016 ng ma-diagnose siyang may chronic kidney disease, 50/50 pa ang gumagana noon sa kanyang kidney. Mabilis ang paghina ng kanyang kidney kaya wala pang limang taon, nagsimula na siyang mag dialysis. Tuwing gabi siyang nag dadayalisis sa bahay.

Biro ng tadhana

Unti unti na nilang ipinagtapat sa kaniyag dalawang anak ang sitwasyon.

"Sinabi namin na hindi na ganoon ka healthy si mama."

Hindi raw niya maintindihan bakit siya dinapuan, gayong sports-minded siya hanggang dito sa Australia. At katunayan, player pa nga siya ng track and field mula elementarya hanggang kolehiyo.
chronic kidney disease, filipina
Lumaking mahilig sa sports si Babylyn. At pagdating dito sa Australia, ipinagpatuloy pa rin niya ito. Source: Babylyn Bogornia


Taong 2018 nang biruin na naman sila ng tadhana,napag-alamang dalawang buwan siyang buntis, pero pinapili sila ng doktor. Kailangang i-abort ang bata.

Dalawa lang ang maaaring mangyari, ayon sa doktor. 

"Yung bata na may sakit din tapos [may posibilidad na mamatay] din, o buhay kayong dalawa pero pareho kayong maysakit.

Bilang ala-ala, ipina-tatoo niya ang kanyang angel sa kanyang braso.

Positibong pananaw

babylyn boronia, chronic kindney disease
Si Babylyn, kasama ang kanyang asawa at dalawang anak Source: Babylyn Bogornia


Bilang paghahanda, nag iipon na rin silang mag asawa para sa kinabukasan ng kanyang dalawang anak.

Naghabilin na rin siya sa kanyang asawa na kung sakali na siya ay mawala na sana'y pumili ng babaeng tatangap sa kanyang mga anak, yung hindi sasaktan at mamahalin na parang sariling ka-dugo.

Gayunpaman, buo pa rin ang kanyang tiwala sa Diyos.
Nanatili pa rin siyang masiyahin at palaging nakangiti, positibo pa rin ang tingin niya sa buhay.

Ang kanyang mga inspirasyon

babylyn, chronic kidney disease
Naging libangan ni Babylyn ang pag-aalaga sa mga succulents Source: Babylyn Bogornia


Bukod sa pamilya na kanyang inspirasyon, naalis naman ang kanyang stress sa pag-aalaga ng mga succulents na halos mag-100 piraso na.

Nagpapasalamat din siya sa gobyerno ng Australia dahil libre ang kanyang pagpapagamot, kasama na ang dialysis at mga apparatus.

Sa ngayon ay naghihintay pa rin siya ng kidney donor. Ito lang ang pag-asa para makasama pa niya ng matagal ang kanyang mahal na pamilya.

"Wag kayong mawalan ng pag asa, ibinigay ito sa atin ni GOD kasi kaya natin."

Listen to SBS Filipino 10am-11am daily

Like and follow us on Facebook for more stories


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand