Sasama sa tagumpay ng Mardi Gras ngayong taong ito, ang komunidad ng Pilipino LGBTQI ay paparada sa mas malaki at mas maliwanag na float na may makukulay na dekorasyon na nagmula pa Pilipinas.
Ang kaganapan sa taong ito ay ipinagdiriwang ang ika-40 anibersaryo ng unang demonstrasyon noong taong 1978 sa Sydney at pagkapasa ng batas ng kasal sa parehong kasarian ng Australia noong nakaraang taon.
Bukod sa pagparada ng mga nanalo sa Mardi Gras International Queen 2018, ang float ng Flagcom and Friends ay mag-ha-haylayt din sa kung gaano kasaya sa Pilipinas bilang isang destinasyon ng mga turista.
Ang mga detalye sa panayam kay Charles Chan mula sa Flagcom.

Share





