Paraan ng pamumuno ng isang Pinay 'millennial'

Rachel Basas

Millennial leader, Rachel Basas Source: Supplied by R. Basas

“I see the millennial leaders as the most understanding among the leaders across the generations because it is the millennial leaders who straddle between the analogue generation and the digital period like they know how to interact with people who are older than them, they also know how to interact with people who are younger than them.”


Ang dating propesora at 'Australia awards scholar' Rachel Basas ay ipinanganak para mamuno. Sa batang edad, ninais niyang maging boses para sa ibang tao at maging boses na pakikinggan ng publiko, Ang pinaka-unang alaala niya na may kaugnayan sa pamumuno ay noong siya ay nasa ikatlong grado ng pag-aaral; kanyang itinaas ang kanyang kamay nang nagtanong ang guro nila kung sino ang nais na maging presidente ng klase. Noong panahon na iyon, alam ni Rachel na siya ay kumpiyansa sa pananalita at isang palakaibigan na tao.

“As I grew up, it became natural for me to take on leadership roles but really as I developed as a person – like at my age right now – when I go back to my why, I see that I become engaged to leadership role because I wanted to inspire people.”

Bago siya naging inspirasyon sa ibang tao, si Rachel ay sinikap na kilalanin muna ang kanyang sarili; kanyang tinawag itong ‘awtentiko’ o tunay na pamumuno. Para sa kanya, nangangahulugan itong pagiging mas may kaalaman tungkol sa sarili at mayroong matibay na moral na ‘compass’.

Bilang isang pinunong milenyal, nais niya magtrabaho sa ilalim ng lider na pareho sa kanyang ‘mentor’ na matapang, nakikiramay, maunawain at mayroong malinaw na paningin sa hinaharap. “She has high standards and she does her best to meet her own standards as well and even surpass them. So I think these characteristics of her become sort of my expectations as well to the leaders I have worked with.”

Tinitingnan ni Rachel ang kanyang ‘mentor’ bilang modelo kaya kanyang ina-aplay ang pinakahinahangaan niyang katangian nito sa kanyang paraan ng pamumuno, siya ay nakikinig din sa ibang tao para matulungan silang makita kung saan sila pinakamagaling at binibigyan sila ng motibasyon na palaging maging mahusay at maghatid ng resulta.
Rachel Basas
Millennial leader, Rachel Basas Source: Supplied by R. Basas
Sa pagiging bahagi ng transisyon mula sa ‘analogue’ at ‘digital’ na panahon, hinahanap ngayon ni Rachel ang klase ng lideratong pagsasanay na angkop sa pangangailangan ng panibagong panahon; siya ay interesado na magsanay sa pamumuno ng mga ‘virtual teams’.

“It is important because as oppose to having physical interactions, when you lead virtual teams, you can sometimes miss body language, skills or like the tone of voice, the eye contact, [and] other aspects so it’s a challenge for leaders and a training for this will be very beneficial as well.”

Ang kanyang napansin sa mga batang lider sa kasalukuyan ay ang pagkakaroon ng matinding motibasyon sa kanilang trabaho kung alam nila ang kanilang layunin. Kung alam nila kung saan sila babagay at kung nasaan ang kanilang papel, nagiging pinakadedikado sila sa isang grupo.

Sa kanyang obserbasyon, ang lugar trabaho sa kinabukasan na pinamumunuan ng mga milenyal ay magbibigay-tuon sa pagbalanse sa trabaho at personal na buhay at kakayahang umangkop o ‘flexibility’. Masasaksihan nito ang henerasyon ng mga pinuno na pinapahalagahan ang karanasan sa iba’t ibang mga aspeto. Dagdag ni Rachel, ang batang henerasyon ay makakaasa ng mga pinuno na maiintindihan sila at may kaalaman sa iba’t ibang paraan ng komunikasyon, maging ito’y harapan o gumagamit ng teknolohiya.

Si Rachel Mary Anne Basas ay kabababa lang sa kanyang ehekutibong posisyon sa Sydney Filipino Society – Unibersidad ng Sydney. Siya ay nagtrabaho bilang ‘assistant division head’ sa isang organisasyon ng pamahalaan sa Pilipinas at dati ring ‘lecturer’ sa unibersidad sa Maynila. Nanalo siya ng iba’t ibang pampinunong gantimpala at nakapagtapos ng ‘magna cum laude’ at ‘batch valedictorian’ sa kanyang ‘undergraduate degree’.

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Paraan ng pamumuno ng isang Pinay 'millennial' | SBS Filipino