Sa unang pagkakataon na nakita ni Mariel Topp si Matthew Topp, malinaw na hindi niya ito gusto. Ang malalaking suot-suot na hikaw ni Matt at mga ‘tattoo’ nito, ay maaaring kaaya-aya sa mata ng iba pero hindi para kay Mariel, na binigyang-porma ang kanyang opinyon kay Matt noon mula sa kanyang konserbatibong kinalakihan.
“I was brought up like if you have tattoos or if you have earrings, you’re like a bad person,” pagbabahagi ni Mariel ng kanyang paniniwala noon na nalilinya sa kanyang kultural na kaalaman.
Ngunit si Matt, na nabighani sa kanyang mga ngiti at personalidad, ay kumilos ng husto. Kanyang isinangtabi ang sarili at inuna si Mariel at ang pamilya nito.
Nagdala siya ng mga bulaklak sa lola ni Mariel. Ginugol niya ang kanyang oras kasama ng mga kamag-anak ni Mariel at inuuwi ang kasintahan sa disenteng oras kapag sila ay lumalabas. Sa maikling sabi, si Matt ay sumailalim sa proseso ng tradisyunal na panliligaw na ginagawa sa Pilipinas para mapanalunan ang puso ni Mariel.
Dito lumambot ang puso ni Mariel dagdag pa ng mabubuting karakter ni Matt tulad ng pagiging matiyaga, pasensyoso at magalang. Ito ang dahilan kung bakit napa-‘yes’ si Mariel at hindi nagtagal ay kinasal ang dalawa.
Mayroong mga hamon ang pagpapakasal sa taong naiiba ang kultura sa iyo. Komunikasyon, pamilya, relihiyon, pagkain, responsibilidad ng magkaibang kasarian, pagtatalik at pamamahalang pinansyal ay ilan lamang sa mga aspeto kung saan nagkakaroon ng alitan.

"Personality and her smile; like I said she's always laughing," shared Matt when asked about what attracted him to Mariel. (MTopp) Source: Supplied
Ngunit para kay Mariel at Matt, kanilang nakayanang tanggapin ang kanilang pagkakaiba at kumilos dito sa pamamagitan ng pagbibigay-tuon sa bagay na unibersal – na ang kanilang mga hamon ay bahagi ng kondisyon ng pagiging isang tao.
Ang isa sa mga naunang hamon na kanilang hinarap ay ang pakiki-angkop sa istilo ng komunikasyon ng bawat isa.
“At first it was really hard, because the accent is really complicated to understand but I’m getting there,” pagbabahagi ni Mariel.
Si Mariel, na nakapagtapos ng ‘Broadcast Communication’ sa Maynila, ay mabilis na umamin sa problema nilang mag-asawa sa komunikasyon. Ngunit kanya itong hinarap sa positibong paraan sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa kanyang mga katrabaho, sa kanyang Australyanong tiyuhin at sa kanyang asawa, upang turuan siya ng ‘Australian slangs’.
“I know I speak quite quickly like especially to someone who doesn’t speak English as a native language so I slow down what I’m saying or say it in different ways,” pagbabahagi ni Matt kaugnay ng kung paano niya sinusuportahan si Mariel para malampasan nila ang hamon na ito sa kanilang komunikasyon.
Isa pang paksa sa istilo ng komunikasyon ng mag-asawa na lumabas ay ang ‘high-context’ laban sa ‘low-context’ na komunikasyon.

"I think it's not hard to overcome these barriers if you love the person. When I look at Matt's eye, I know straight away what's in it," shared Mariel. (MTopp) Source: Supplied
Ang mga lumaki mula sa ‘low-context’ na kultura tulad ni Matt ay nakikipagkomunikasyon ng diretso kumpara sa mga galing sa ‘high-context’ na kultura tulad ni Mariel, na nakikipagkomunikasyon sa hindi diretsong paraan – ngunit may pakahulugan.
Nasanay na si Mariel sa pagkakaiba nila dito. Ngunit nanibago ang kanyang ina na sa ngayon ay bumibista sa kanila. Ibinahagi ni Mariel: “Because sometimes my mum would put food and would keep on calling Matt because you know, Filipino way, ‘Lalamig ang pagkain,’ (the food will go cold), and then when Matt said, ‘No, no, I’m full!’, my mum sometimes said, ‘Maybe, he doesn’t like what I cooked.’ [I said] ‘No, no, mum, when they don’t want to eat, they don’t want to eat’.”
Labis na pinasasalamat ni Mariel ang diretsong berbal na komunikasyon ng kanyang asawa at ang kultura ng Australya: “That’s one thing I like about Australian culture as well, is that they are black and white; they would say what they want, and it doesn’t have any double meanings in it.”
Tatlong taon ng kasal, nagsabi si Mariel na marami sa mga taong kanyang nakakasalamuha ay nagpahayag ng kasiyahan para sa kanilang mag-asawa. Kanyang dinagdag: “They say it’s hard to find someone around the same as my age because what I normally see is a Filipina married to an older, twenty years older [partner] but I’m not saying it’s bad. [I’m just saying] that they said it’s hard to find someone who really likes you, and you’re really going to love, and you’re going to match [with].”

"I don't have problems with Matt dealing with my family," Mariel admitted. Source: Supplied
Tunay ngang mas may ganap na pagtanggap sa kanilang relasyon sa lipunan ng Australya kumpara sa mga mag-asawang galing sa magkaibang kultura at malaki ang pagkakaiba sa edad; sila ang mas nakakaranas ng malupit na panghuhusga. Ito naman ay nakabawas sa hamon nina Mariel at Matt sa araw-araw nilang buhay.
Ngayon na sila ay nagmamalaking mga magulang para kay Akira, ibinahagi ni Mariel na ang mahalaga para sa kanya at kay Matt ay makitang lumalaki ang kanyang anak na isang mabuting tao.

(L-R) Akira Topp with Jollibee (MTopp) Source: Supplied
Kanyang ipinaalam na hindi niya tinuturuan ang anak ng mga Pilipinong kaugalian ngunit ipinapakita na lamang niya ito. Ang kanyang dahilan ay nag-aalala siya na ang kanyang anak ay maguluhan kapag nagsimula na ito sa eskwelahan at makakilala ng mga bagong kaibigan na ipinalaki sa paraang Australyano.
Maingat si Mariel sa bagay na ito dahil naranasan niya ang parehong pagkalito noong siya ay bago pa lamang migrante sa Queensland. Dala-dala ang kanyang konserbatibong Pilipinong kaugalian, at pagsa-ilalim sa maagang yugto noon ng ‘acculturation’, pinigilan siya nitong makihalubilo sa iba dahil hindi malawak ang kanyang pagtanggap noon sa pagkakaiba.
Para sa kanyang anak, nagsabi si Mariel: “[It] doesn’t matter what she believes in, as long as she’s a good person, that’s enough.”
Ang kasiyahan sa kanilang pagiging mag-asawa ay pansin na pansin. Nakayanan nina Mariel at Matt na maunawaan na ang asal, paniniwala at pinahahalagahan ng bawat isa ay konektado sa konteksto ng kanilang kultural na kinalakihan. At mula doon, ay natutong yakapin ang ‘banyaga’ para sa bawat isa sa kanila.

"It's just one of our traits as a couple, we laugh at each other, we make fun of each other," shared Mariel about their relationship. (MTopp) Source: Supplied
Pinagmamalaki ni Mariel ang natamo nilang mag-asawa sa loob lamang ng tatlong taon – nagkaroon na sila ng sariling bahay, at magandang trabaho upang mabigyang seguridad ang kinabukasan ni Akira.
Kanyang sinabi na mahalaga para sa mga mag-asawa, na galing sa pareho o magkaibang kultura, na magkaroon ng puwang para sa pagkakamali at isipin na ito ay malalampasan kung sila ay magkasama.
“The best thing of marrying someone is knowing you’ll have a friend for the rest of your life. A friend, who no matter what, even if you’re being bad or you’re having your worst day, they would still be there to help you and let you know what you have to do,” kanyang idinagdag.
Para kay Matt, ibinahagi niya na palagi nilang ginagawa ang pinakamabuti para malagpasan ang mga bagay-bagay at manatiling masaya. Para sa kanya, si Mariel ang pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay.
“I love her to bits. She’s the best thing that ever happened to me. Many more [years] to come. And hopefully, we’ll grow our family more as well.”
Pakinggan ang kabuuang panayam.