Pagkatapos ng isang paliparan, isang bagong ospital, isang modernong sistema ng tren, isang sentro ng pang-mataas na edukasyon naman ang inaasahang maging bagong imprastraktura sa lumalaking kanlurang Sydney.
Inilunsad ngayong linggo ng Konseho ng Blacktown ang kampanya na magkakaroon ng isang kampus sa siyudad para pag-aaralan ng mga lokal na residente at mga pan-daigdigang estudyante.
Sinabi ng mayor ng Blacktown City Stephen Bali sa harap ng komunidad Pilipino kamakailan bago ilunsad ang proyekto, napapanahon na para magkaroon ng sariling pamantasan na ipagmamalaki ng siyudad.
Share





