Isang bagong pagkakataon sa buhay: Mula sa pagsuko hanggang sa pagbibigay inspirasyon sa iba

Analieze Bella Newton

There's a story behind Analieze Bella Newton's smile Source: Elegantography

Walang tamang nangyayari sa buhay ni Analieze Bella Newton, sa katunayan, sa pakiramdam niya siya ay nabigo sa halos lahat - ang kanyang trabaho ay hindi maganda ang lagay, dalawang nabigong kasal, iniwan siya ng kanyang anak upang manirahan kasama ang kanyang ama, nagkaroon ng type-2 diabetes at ramdam niya na tila wala nang natira sa kanya. Suko na siya sa buhay, sa kanyang palagay.


Iyon ay tatlong buwan bago siya pumirma upang sumali sa kanyang unang beauty pageant sa edad na 49. Ang kanyang buhay ay biglang ganap na nagbago at nabigyang inspirasyon nang napanood niya ang Miss World Australia bilang isang panauhin sa isa sa mga palabas sa telebisyon. Agad-agad naghanap siya online para sa mga pageant sa Australia.

Sa kabila ng katotohanan na hindi siya tiyak sa kung ano ang maaaring mangyari, sumali si Analieze upang makipagkumpetensya para sa Miss Diamond Australia noong 2018, at sa katunay ng mga hindi inaasahang sorpresa sa buhay, nanalo siya sa naturang titulo.
Miss Diamond Australia
Miss Diamond Australia 2018 Analieze Bella Newton Source: Supplied
"The main push (in entering pageantry) is perhaps, I wanna do something for me. I felt like I spend a lot of time doing things for people and I felt like I want to do something for me especially when after my second husband left me, I mean, God knows best. It happens for a really good reason. I found myself, I want to push myself to do something for me," pagbabahagi ng Miss Diamond Ambassador Australia 2018.

Habang natagpuan ng late-bloomer sa mga pageant ang kanyang sarili, natuklasan din niya ang isang bagay na malapit sa kanya - ang mga walang tirahan. Sinimulan niya ang pag-boluntaryo para sa programa ng pagpapakain para sa mga walang tirahan sa Parramatta Park sa NSW.

Hindi na bago kay Analieze ang mga pakikibaka at paghihirap dahil sa siya ay lumaking mahirap sa Pilipinas. Bilang isang may sapat na gulang, maraming taon na mag-isang itinaguyod ni Analieze ang kanyang anak; maaaring hindi siya nawalan ng tirahan ngunit naranasan niya ang pumila para sa mga food voucher sa mga organisasyon ng kawanggawa para mapakain ang sarili at kung minsan ay nangailangan ng tulong upang mabayaran ang kanyang mga bayarin. Hindi ito ang kanyang mga pinakamasayang taon at sa mga naranasang ito, napagtanto niya kung gaano kahalaga na maibalik at tulungan ang mga tao na hindi gaanong masuwerte.
Miss Diamond Australia
Her struggles have only kept Analieze Bella Newton strong and determined to help others Source: Supplied
"I had my struggles. People might know me as someone who look good with her dresses, people don't know there's so much I have gone through in life to be where I am now," isang emosyonal na Analieze Bella Newton.
I always tell people, you have to be kind to everyone you meet because you really don't know the struggles that they've been through, how they reach to the point where they are.
Ms Australia World
Ms Australia World National Finalist 2020 Source: Elegantography
Sa pagtataguyod upang magbigay ng inspirasyon sa iba lalo sa mga kababaihan at mga bata upang mahanap ang kanilang sarili at gawin ang kanilang hilig, ang ina na may isang anak na dating na suko na sa buhay ay makikipagkumpitensya para sa kanyang pangalawang pageant, naghahanda para sa Ms World Australia National Title sa Mayo 2020.

Listen to SBS Filipino 10am-11am daily

Like and follow us on Facebook for more stories


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Isang bagong pagkakataon sa buhay: Mula sa pagsuko hanggang sa pagbibigay inspirasyon sa iba | SBS Filipino