Si G Jesse Troutman, isang Kastilang-Amerikano na ipinanganak sa Pilipinas at naging mamamayan ng Australya, ay iba ang paningin ukol dito. Kanyang ginawa ang pagreretiro niya na kapaki-pakinabang na tulad din ng ibang bahagi ng kanyang buhay.
Naging mabuti ang buhay para sa kanya sa pagtatrabaho niya sa Australya sa higit na tatlumpu’t limang taon kasabay ng pagpapalaki sa kanyang mga anak. Ngunit ng kanyang natamo ang yugto sa kanyang buhay na lumisan na ang kanyang mga anak at ang kanyang mga kaibigan ay madalang niyang nakakasama dahil may mga sarili pa itong obligasyon sa buhay, ang aktibong ginoong ito ay pinili na lamang na mag-impake patungong Pilipinas – sa pangunahing kadahilanan na mapunan ang kanyang pangangailangan ng koneksyon sa ibang tao.
“In the Philippines, it is a paradise for me. I’m enjoying the mobility and socializing with a lot of friends,” pahayag ni G Troutman sa SBS Filipino.

Mr Jesse Troutman Source: J. Blair
Habang ang iba ay tinitingnan ang kanilang trabaho bilang bahagi ng kanilang pagkatao kaya sa pagreretiro ay nakakaranas sila ng tinatawag na ‘existential vacuum’, iba ang paningin dito ni G Troutman: “It was not difficult; I saw it as a blessing.”
Ibinahagi ng dating nagtrabaho para sa ‘sheriff’ na kanya ring naaalala ang kanyang trabaho dati ngunit kanyang napunan ang mga nawalang ito sa pagbibigay atensyon sa makabuluhang trabaho tulad ng pagsisimula ng sarili niyang negosyo sa Pilipinas at pagiging aktibo sa isports.
Maayos ding napamahalaan ni G Troutman ang transisyon sa pinansyal na aspeto ng kanyang buhay. Binenta niya ang kanyang kotse at bahay sa Australya. Kinuha niya ang kanyang ‘superannuation’ at ang kaunting salaping kanyang naipon. At nagsimula siya ng sarili niyang negosyo. Tumakbo ito ng maayos para sa kanya kaya kanyang nasabi, “I live very comfortably in the Philippines.”

Mr Jesse Troutman, on his 79th birthday Source: J. Blair
Naging masaya ang pagreretiro ni G Troutman. Siya ay nakakabiyahe pa rin at bumibisita sa Australya kung kailan niya naisin ngunit higit sa lahat, nagawa niyang ipagsama ang lahat ng nawala sa kanyang buhay upang mas malalimang makipag-ugnay sa mundo.

Mr Jesse Troutman and his family at the Philippine Christmas Festival 2018 Source: SBS