Cleaning services patok na negosyo ng ilang mga Pilipino sa Queensland

boom of cleaning services amid coronavirus

Source: Photo by Karolina Grabowska from Pexels

Kumikita ng nasa $2000-$3000 kada linggo sa negosyong paglilinis ang pamilya ng Pinay na si Liezel Ford ngayong panahon ng pandemic.


Highlights
  • Kadalasan kumikita siya ng $300 sa bawat bahay na kanyang nililinisan.
  • Kailangang kumuha ng ABN at sariling kagamitan bago makapagsimula ng ganitong negosyo.
  • Para kay Liezel, tiyaga at determinasyon ang kanyang puhunan sa ganitong klaseng trabaho.
Taong 2006 nang magdesisyon siyang simulan ang kanyang negosyong cleaning services.

Ito kasi ang isa sa in-demand na bussiness ngayon, lalo at nagkaroon ng pandemic. Marami kasi ang nagpapalinis na lamang sa halip na sila ang gumawa.

 

Sa bahay na lilinisan, $300 dollars kadalasan ang kanyang singil—depende sa oras at haba ng trabaho at mga parte ng bahay na lilinisin.

Bukod sa mga bahay na nililinis, naroon din ang paglilinis ng mga paaralan, mga bangko, opisina, mga barko, at maging paglalampaso ng mga beranda ng hotel.

Paano magsimula ng cleaning business

Sa negosyong ito kailangan lamang ng Australian Bussiness Number (ABN) na maaring kunin online. Kailangan lamang na irehistro ito, at dederekta sa Australian Taxation Office. Sa Australia, hindi ka maaring mandaya lalo sa usapin ng pagbabayad ng buwis.

Ayon kay Liezel, madali lamang mag-apply nito. Kailangan rin na mayroon kang kagamitan sa paglilinis tulad ng mop, basahan, walis vacumm cleaner at mga kemikal na gagamitin sa paglilinis.

Sa negosyong ito, kailangan ng ibayong lakas tiyaga at determinasyon. Importate na malinis at pulido ang bawat trabaho. Sa oras kasi na nagustuhan ng isang kostumer ang iyong trabaho, ikaw ang lagi niyang tatawagin, hanggang sa mairekomenda kana sa ibang tao.

"Work hard talaga. Kung talagang gusto mong mabuhay, mahalin mo yung mga taong pinagtatrabahuhan mo, yung kahit sobra sobra kana sa oras pero kailangan pulido yung trabaho mo matutuwa sila sayo."

Kasama sa pagpapalago nito ang kanyang asawa at mga anak.

Tinatayang kumikita siya ng $2,000-$3,000 kada linggo. Isa rin itong naging daan para mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya dito at maging pamilya sa Pilipinas.

Payo niya huwag matakot sumubok, lalo at ibang dumiskarte ang Pinoy saan mang larangan mapadpad.
 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand