Ang Christmas Pageant ay isang tradisyon ng South Australia na nagaganap tuwing ikalawang Sabado ng Nobyembre.
Pumipila ang mga pamilya sa mga kalye ng lungsod upang salubungin ang masayang panahon at syempre, ang Father Christmas ng Adelaide.
Ang pageant ay nagsimula noong 1933 at lumago bawat taon, na binubuo ngayon ng higit sa 60 floats at 1,700 na mga boluntaryo.

National Pharmacies Christmas pageant official photo Source: National Pharmacies Christmas pageant official photo
Ang pageant ay nagpaparada sa sentro ng lungsod, puno ng kulay, aktibidad at musika, na may mga float na ipinagdiriwang ang Australia at Pasko.
Payo ng mga organiser na siguraduhing maagang makakarating upang ma-secure ang iyong lugar sa panonood.
Hinihikayat din na gumamit ng pampublikong transportasyon.
Napag-alaman din na may libreng transportasyon na ipapatakbo ang Adelaide oval express.
Sa taong ito, sa halip na isaganap sa mga daan ng CBD, ang parada at kaganapan ay gagawin sa Adelaide Oval kung saan ang bilang ng mga taong makakasali at makakapasok ay nasa 25,000.




