Key Points
- Ano ang Ahpra at ang Tungkulin Nito: Ipinaliwanag ni Melba Marginson, Ahpra Community Advisory Council member, ang papel ng Ahpra at ng Community Advisory Council sa pagpapabuti ng kalidad ng pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng pakikinig sa boses ng mga komunidad na may iba’t ibang kultura.
- Pagpapalakas ng Representasyon ng CALD Communities: Binanggit niya kung paano nakatutulong ang feedback mula sa mga multicultural communities, kabilang ang mga Pilipino, sa paghubog ng mga polisiya at programang mas akma sa kanilang pangangailangan.
- Mga Hamon at Paraan ng Pakikilahok: Tinalakay ni Marginson ang mga karaniwang hadlang tulad ng wika, access sa serbisyo, at kamalayan sa kalusugang pangkaisipan, at nagbigay ng praktikal na payo kung paano maaaring makibahagi ang mga mamamayan sa mga konsultasyon o advisory panels ng Ahpra.
Sa live radio outside broadcast ng SBS Filipino sa FECCA 2025 iminungkahi ni Melba Marginson, Ahpra Community Advisory Council member, ang pagkakaroon ng health portal na nakatuon sa mga Pilipino sa Australia. Layunin nitong gawing mas madali ang pag-access sa impormasyon tungkol sa kalusugan, serbisyo, at mga alituntunin sa wika at kontekstong mas nauunawaan ng mga Pilipino.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.


