Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Flag Days sa Pilipinas, hinihikayat ang mga tanggapan ng pamahalaan, paaralan, negosyo, at maging mga pribadong tahanan na magtaas ng watawat mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12 pero alam mo ba na may batas na nagtatakda kung paano dapat gamitin at igalang ang watawat ng Pilipinas?
Key Points
- Sa ilalim ng Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines, nakasaad ang mga alituntunin sa wastong paggamit ng pambansang watawat at iba pang simbolo ng bansa.
- Ang Pilipinas ay isa sa iilang bansa sa mundo na may watawat na maaaring magbago ng kahulugan depende sa sitwasyon. Kapag panahon ng kapayapaan, nasa itaas ang kulay bughaw. Ngunit sa panahon ng digmaan, ang kulay pula ang nasa itaas.
- Kabilang sa mga ipinagbabawal ayon sa batas ang pagpapasayad nito sa lupa, paggamit bilang kasuotan, pambalot o dekorasyon, at paglalagay ng anumang salita, larawan, at marka sa mismong watawat.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.
Share





