Speaker B: Dagdag kaalaman na mabilis tandaan. Pakinggan sa
TJ Correa: Sa pag-a-apply ng visa o trabaho, karaniwang
requirement ang NBI clearance sa Pilipinas at ang
katumba sa Australia na National Police Check.
Pero alam mo ba ang pagkakaiba ng proseso at
sistema ng dalawa? Sa Pilipinas, ang NBI clearance
ay centralized. Ibig sabihin, isang database lang
ang tinitingnan mula Luzon hanggang Mindanao. At
ang pinakaayaw na marinig ng aplikante, ang
terminong HIT. Dahil sa sistema ng NBI, kapag may
kapangalan kang may record, kailangan mong
maghintay ng 10 araw para sa manual verification.
Para sa mga Pinoy na nasa Australia, maaaring
tumulong ang Embahada at Konsulado ng Pilipinas sa
pagdibigay ng form at fingerprinting para sa unang
beses na aplikante, pero hindi sila nagpoproseso o
nag-i-issue ng aktuwal na NBI clearance, habang
may online system naman sa mga renewal. Sa
Australia naman, strikto sa pag-verify ng identity
o pagkakakilanlan. Hindi uubrang isang ID lang,
kailangan munang tinatawag na 100-point ID check.
Passport, Medicare o kahit utility bill, kailangan
mag-match. Karamihan ng aplikasyon ay tapos na sa
loob ng 48 hours online na pwedeng gawin sa
website ng Australian Federal Police o sa mga
accredited bodies tulad ng ACIC. Pagdating naman
sa validity, ang NBI clearance ay laging 1 year
lang. Pero sa Australia, madalas ay walang expiry
date ang police check. Pero mga employers nang
nagtatakda kung tanggap pa ba ang resultang lagpas
END OF TRANSCRIPT