Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Alamin paano maiwasan at lunasan ang impatso

pexels-tummy aches Sora Shimazaki.jpeg

Impatso o indigestion ang isa lang sa masamang epekto ng overeating o sobrang pagkain. Credit: Pexels by Sora Shimazaki

May babala ang mga eksperto tungkol sa peligro ng sobrang pagkain sa Pasko at pagsalubong sa bagong taon. Isa sa masamang epekto ng pagkain ng sobra ang impatso o hindi natunawan ng pagkain.


Key Points
  • Ang sobrang pagkain ay magiging sanhi impatso o indigestion.
  • Bantayan ang dami ng pagkain ng calories para hindi tumaas ang cholesterol para iwas sa alta presyon.
  • Fasting o pagpaliban ng pagkain sa loob ng 24 oras makakatulong para gumaling sa impatso.

Maingat sa pagpapakain sa kanyang mga anak at inaalagaang bata si Lotlot Bagtong dahil sa naranasan na ng kanyang anak ang matapos ma-impatso o hindi natunawan ng kanyang kinain.

"Nagpanic ako dahil sumakit ang tiyan kaya dinala namin sa doktor at na-admit sa ospital."

lotlot impatso.jpg
Lotlot Bagtong namamasyal sa Botanical Garden sa Sydney, Australia. Credit: Lotlot Bagtong

Kaya ngayong pasko mas maingat na ito sa pagpapapkain sa anak at mga inaalagaang bata.

Samantala, inamin ng airport catering services worker na si Jennifer Voican health conscious siya noon pero dahil sa nakakapagod at stress sa trabaho sa paliparan minsan napapabayaan niya ang kanyang sarili.

"Masakit ang tiyan ko ginagawa ko na lang naglalakad-lakad tapos inum ng maligamgam na tubig," kwento ni Jennifer.

Jennifer Voican.png
Jennifer Voican gustong ibalik ang pagiging health conscious at piliin ang mga tama at masustansyang pagkain. Credit: Jennifer Voican

Dahil hindi sa tamang oras nakakakain napapadami tuloy ang kinakain lalo na ngayong papalapit na ang Pasko.

"Palagi kasing may pagkain, tapos hindi on-time kung kumain kaya paggutom na kumain mapapadami. Tapos mag-catch up ng friends hindi namamalayan marami na palang nakain.

Sa susunod na taon, determinado na si Jennifer na baguhin ang lifestyle, gaya ng pagpili ng tama at masustansyang pagkain sa tamang oras.

Dr.-Lorinda-De-Leon.jpg
Dr Lorinda De Leon Reyes

Payo ni Dr Lorinda De Leon Reyes isang GP mula Melbourne lunas nito ang

1. Fasting sa isang araw apra amwa ang kabag.

2. Inum ng tubig konti-konti para bumaba ang gas.

3. Tikman ang gustong pagkain at huwag sobra.

"Kapag sobra ang pagkain calories yon at calories gain is weight gain plus cholesterol baka tumaas ang blood pressure. Magic word natin ay eat in moderation means kung ano ang kaya ng ating tiyan, hindi ang kaya ang ating mata."


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now