Tuwing anim na taon o maaaring maikli pa, nagkakaroon ng bagong ambassador o sugo ang Philippine Embassy sa Australia dahil sa pagtatapos ng tour of duty o ibang dahilan. Nitong Disyembre 2024, natapos na ang pagsisilbi ni Ambassador Maria Hellen De La Vega at pinalitan siya ni Ambassador Antonio Morales.
Key Points
- Bago naging Philippine Ambassador sa Australia noong Disyembre 2024, nagsilbi si Antonio Morales bilang diplomat sa USA, China, Italy, Malaysia, Turkey, at Singapore.
- Ang kagustuhan ni Morales na maglingkod ay naimpluwensyahan ng kanyang pamilya na naglilingkod din sa Pilipinas.
- Ayon kay Morales, ang mga Pilipino sa Australia ay nagbibigay ng malaking karangalan sa bansa at titiyakin niyang patuloy na susuportahan at ipaglalaban ang komunidad.
Share



