Nagsimula sa mga simpleng drowing ng mga nakakatawang sitwasyon sa buhay na naging viral sa social media, nabuo ni David Bobis ang kanyang pinakabagong libro na sana'y makapagbigay-tuwa sa mga tao lalo na ngayong panahon na higit nating kailangan kahit na ng kaunting tuwa sa gitna ng kinakaharap nating krisis.
"One day, I was on Instagram, I'd share quotes from my book, I'd share really artsy looking images, pictures of my meal, things like that. But then, I just thought why not I just draw something completely random and see what people think. And then slowly people started sending me messages, saying those drawings are hilarious, they're crazy," pagbabahagi ng manunulat mula Brisbane.
Mga highlight
- Ang librong "Everyday A**holes" ay nabuo mula sa mga simpleng nakakatawang drowing na iginuhit ng manunulat na si David Bobis.
- Mula sa Instagram kung saan naging viral ang ilan sa kanyang mga iginuhit, maraming tao ang nagpahatid ng kanilang tuwa na makita ang kanyang mga drowing.
- Batay sa pang-araw-araw na mga nakakatawa at minsa'y mga bastos na kaganapan sa buhay ng mga karaniwang tao, nilalayon na makapagbigay-saya sa mga mambabasa.
At habang dumarami ang nagpapadala ng mensahe kay Dean Blake, ang ginagamit na pangalan ni David Bobis sa kanyang mga isinusulat, naisip niya na gumawa ng libro mula dito.
"It just grew from there and then more and more people had been reacting to it, then from all over the world, just sending and telling me how much they love my work and how it made them laugh especially during these tough times so I thought I think I need to spread this laughter a bit more, I make a book out of it," pagpapatuloy ni Bobis.
Ang "Everyday A**holes" ay isang koleksyon ng mga nakakatawang drowing ng mga walang pakundangan, tila sampal sa mukha at minsa'y mga bastos na pangyayari na nakikita natin sa araw-araw, na layunin ng may-akda na sana'y makapagpasaya kahit paano sa mga mambabasa.

Author David Bobis who uses Dean Blake for his penname. Source: Supplied

One of Dean Blake's illustration as part of his book 'Everyday A**holes'. Source: Supplied
BASAHIN DIN / PAKINGGAN