Key Points
- Mga batang ipinanganak at laki sa ibang bansa ay maaaring maging multilingual
- Ayon sa mga eksperto mas madaling makuha ng mga bata ang itinuturo kapag simulan habang bata pa ang mga ito
- Mga magulang huwag hayaang maging banyaga ang mga anak sa sariling bansa
Nakapanayam ng SBS Filipino ang pamilya ng Lifestyle changer coach na si Marco Tamayo mula Gold Coast sa Queenland kasama ang dalawang anak na sila Greightness 6 na taong gulang at bunsong limang taon na si Meighty.
Ito'y tungkol sa karanasan ng pamilya sa pagpapakilala at pagtuturo sa mga bata sa sariling wika at kulturang Filipino.
Ipinanganak sa New Zealand ang dalawang anak ng mag-asawang Bubbles isang nurse at Marco. At nang lumipat dito sa Australia hindi pa sila nakauwi sa Pilipinas kaya pinaghahandaan ng pamilya ang kanilang pag-uwi sa susunod na taon.

Marco and his wife Bubbles Tamayo consider their session to learn the Filipino dialect with their children as a family bonding.
At ang itinakdang panahon ay ngayon dahil lumalaki na ang mga anak. Ayaw nito na maging dayuhan ang mga anak sa kanilang sariling lengwahe at para na din maipagpatuloy ang kulturang Filipino.
" Importante alam nila ang ating wika at kultura dahil bilang mga Filipino uuwi talaga tayo dahil andun ang pamilya natin, kaya dapat alam ng ating mga anak para patuloy ang koneksyon sa ating pinagmulan.
"Wala naman talagang mahirap kung gugustuhin pero malaking challenge dahil nakakalimutan ko, minsan napapabayaan na lang dahil akala natin matutunan nila subalit, hindi pala kailangan turuan ang mga bata sa pang-araw-araw na pakikipag-usap para hindi nila makalimutan," kwento ng amang si Coach Marco Tamayo.
Ang mga batang sila Greightness at Meighty ay kampeon din sa larong Jiu Jitsu.