Nabunyag na mahigit sa isang libong reklamo ang ginawa na nagpaparatang ng pang-aabusong sekswal sa mga bata sa loob ng simbahang Anglican sa nakalipas na 35 taon. Larawan: Pampublikong pagdinig ng Royal Commission into Institutional Responses to Child Sexual Abuse sa Anglican Church of Australia sa Sydney (AAP)
Isang obispo, na nagbitiw sa kanyang tungkulin noong Huwebes, ay nagsabi sa Royal Commission into Institutional Responses to Child Sexual Abuse na ang mga personal na interes ang pumigil sa proteksyon ng bata.
Share




