SBS sa Wikang Filipino

Anim na presidentiables lalahok sa PiliPinas Forum 2022

SBS sa Wikang Filipino

Pilipinas Forum 2022 , final Presidental debate

COMELEC and KBP Signing of the Memorandum of Agreement for the PiliPinas Forum 2022 Source: COMELEC


Published 2 May 2022 at 2:10pm
Presented by Edinel Magtibay
Source: SBS

Kasado na ang huling tapatan ng mga kandidato ng halalan sa May 9 na kapalit ng inorganisang townhall debate


Published 2 May 2022 at 2:10pm
Presented by Edinel Magtibay
Source: SBS



 

Anim na presidentiables at apat na vice presidentiables lang ang kumpirmadong makikilahok sa ikinasang  Pilipinas Forum 2022 ng Comelec.

Advertisement
Kabilang sa mga dadalo na kandidato sa pagkapangulo ay sina Ernesto Abella, Leody de Guzman, Norberto Gonzales, Faisal Mangondato, Jose Montemayor, at Senator Manny Pacquiao.
Kumpirmadong sasali rin ang ilan sa mga vice presidential candidates na sina Rizalito David, Manny Lopez, Senate President Tito Sotto, at Carlos Serapio.



 

Highlights

  • Gaganapin ang PiliPinas Forum 2022 mula May 2 hangang May 6 sa ganap na alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
  • Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na handa na ang higit 600,000 na kanilang mga personnel na tutulong sa May 9, 2022 national and local elections
  • Mahigit 40,000 personnel ang ide-deploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong bansa para tumulong sa pagbibigay seguridad sa araw ng halalan

 

Paliwanag ni Comelec Commissioner George Garcia, mahalaga ang nasabing forum dahil ito aniya ang pinakahuling pagkakataon na maririnig ng mga kababayan natin ang kanilang mga plano para sa bansa.

Isasagawa ang forum sa pamamagitan ng panel interview sessions sa pakikipagtulungan ng Comelec sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP).

 


Share