Key Points
- Ang study stress ay nagiging sanhi ng kakulangan sa pagtulog na nakaka-apekto sa mental at physical health ng isang tao
- Ro-Em Ann Andrea mula Brisbane hindi pinipilit ang mga anak na mag-aral, subalit pinapaalalahanan ang mga anak gawin ang makakaya dahil sila ang may hawak sa kanilang bukas
- Remy Linga mula Sydney nagtitiwala, sinusuportahan at iniintindi ang mga anak batay sa kanilang kakayahan
Biniyayaan ng tatlong supling si Ro-Em Anne Andea mula Brisbane. Kahit pinagsasabay niya ang pagtatrabaho at pag-aaral ng abogasya dito sa Australia sinisiguro nito na maayos ang pag-aaral ng kanyang mga anak.
Nasa year 10, 9 at year 5 pa ang mga ito kaya alam niya dapat may nakatutok o gabayan ang mga bata.
Kwento nito ginaya niya ang paraaan ng pagpapalaki ng kanyang mga magulang lalo na sa pag-aaral ng mga anak.

Ro-Em Anne Andrea mula Brisbane, hindi pinipilit ang mga anak na mag-aral, subalit pinapaalalahanan ang mga anak gawin ang makakaya dahil sila ang gumagawa ng kanilang kinabukasan. Source: Ro-Em Anne Andea
Dagdag ng ina hindi rin sya nagkulang ng paalala sa mga anak at para suportahan sila sa kanilang pag-aaral kaya ginawang masaya ang bawat araw nila habang ginagawa ang takdang aralin o nag-aaral para sa pagsusulit.
Alam mo yong style nung mga bata kapag mag-study give them food yong nibble food, diba tayo when we were in university, or we have group study with friends we have nibble food ganun ang gawin mo sa anak mo it makes them relax.Ro-Em Ann Andea, Ina at nag-aaral ng abogasya
Para naman sa dating guro sa Pilipinas at ngayo’y isang early childhood educator sa Sydney na si Remy Linga, sa dalawang anak na nasa year 12 at year 7. Dahil na-develop na sa mga anak ang study habits mula noong bata sila sa Pilipinas.

Remy Linga, ipinapadama ang tiwala at pag-intindi sa kakayahan ng mga anak bilang suporta sa kanilang pag-aaral.
Iniintindi ko ang anak ko kung ano ang capacity nya, siya kasi late natutulog tapos late nag-aaral doon nya naa-absorb ang inaaral hindi ko pinu-push siya hinahayaan ko siya kung ano ang gusto niya at kung ano ang kaya ng bata.Remy Linga, Ina at early childhood educator
Ang paraan ng pagsuporta at gabay na ginagawa nila Ro-Em at Remy sa mga anak ay napakahalaga para sa mental wellbeing ng kanilang mga anak, lalo na kapag may pinaghahandaang pagsusulit o kahit sa pang-araw araw na pamumuhay.
Ayon kay Jackie Hallen ang Director of service ng ReachOut Australia na isang mental health provider, karaniwang problema na resulta ng study stress sa mga kabataan ay hindi sila nakakatulog
Bago pa man humantong sa grabeng stress ang mga bata sa pag-aaral pinapaunawa ng Assistant Principal ng Werribee Secondary College na si Helene Refuerzo dapat maintindihan ng mga magulang ang sistema ng edukasyon sa Australia.
"So minsan wala silang homework kasi ang sasabihin ng mga teacher, make sure ilakad mo yong aso mo o makipaglaro sa mga neighbours mo o spend sometime with your family have a conversation kasi imporatante din yong para sa development ng mga bata."
Dagdag payo naman ng isang tagapamahala ng Learning Hub sa Victoria at kasalukuyang nagtuturo sa Melton Public High School na si Marianne Santos, kahit mas maluwag ang sistema ng edukasyon dito sa bansa dapat may gagawing kaunting homework ang mga bata para ma-develop ang ilang kasanayan o skills.
"I would highly recommend after-school learning, I always call it targeted learning hind siya marami. I am an advocate of quality over quantity, it will lead to more skills aside from content it's more of a life skills responsibility, having that routine, prioritising, ang skills na yon matutunan with homework."
Nagbunga ang pamamaraan na ginawa ng mga magulang na sila Ro-Em at Remy sa kani-kanilang mga anak dahil pareho itong may mga matataas na marka.
Ang ulat na ito ay bahagi ng pinangununahan ng SBS na Mind your Health. Bisitahin ang sbs.com.au/mindyourhealth at maaaring makinig sa Great Minds podcast at malaman ang iba pang impormasyon sa higit 30 wika.