Ano ang melanoma at ano ang mga sintomas na dapat bantayan?

Melanoma

Melanoma Source: SBS

Ang melanoma isang mapanganib na uri ng kanser sa balat at karaniwang sakit sa Australia. Mga tinamaan ng sakit gustong ipatigil ang mga influencers sa pagtataguyod ng tanning.


Key Points
  • Mahabang pagbibilad sa araw maging sanhi ng kanser sa balat
  • Ayon sa Melanoma Institute Australia bawat 30 minutos isang tao ang na-diagnose ng melanoma sa Australia.
  • Ang melanoma ay maiiwasan at maaaring gumaling
Sa panayam ng SBS Filipino kay Professor Georgina Long mula Melanoma Institute Australia (MIA), ang bansang Australia ang may pinaka-mataas na kaso ng melanoma sa buong mundo. Umaabot sa higit 15,000 na bagong kaso ang nada-diagnose bawat taon.

Ano ang melanoma
Ang melanoma ay isang mapanganib na uri ng kanser sa balat at ito din ang pinaka-karaniwang kanser sa bansa.

Ang kanser na ito ay nabubuo sa pigment cells ng katawan ng tao na tinatawag na melanocytes na siyang nagpo-produce ng melanin na nagbibigay kulay sa balat ng tao.

Ayon sa mga eksperto hindi pa tukoy ang pinaka-sanhi ng melanoma pero sa ginawang pag-aaral, mataas ang tsansa na magkakaroon ng melanoma kapag mahabang nagbibilad o exposure sa UV rays mula sa sikat ng araw , exposure sa tanning lamps o beds kaya mas mainam na bawasan o limitahan ang exposure dito.

Karaniwang sintomas na makikita kapag may melanoma ay ang pagbabago sa kulay o anyo ng nunal at bahagi ng balat sa mukha, leeg, batok at likod.

Subalit maaari ding lalabas ang melanoma sa mga tagong bahagi ng katawan gaya ng ulo, paa at mata.

Kapag napabayaan ang melanoma ay kakalat sa ilalim ng balat at papasok sa lymphatic system o daluyan ng dugo hanggang sa baga, atay, utak at buto ng tao.

A little-known fact is that it is the most common cancer that impacts young Australians aged 20 to 39. Professor Georgina Long, Melanoma Institute Australia.
Professor Georgina Long, Melanoma Institute Australia

Sa datos ng MIA sa bansang Australia may namamatay sa skin cancer kada anim na oras.
Bagay na ikinabahala ng migrant mula Samar at isang health professional na naka-base sa Sydney na si Rachelle Becina, lalo't may isa itong anak na nag-aaral sa pre-school.
Rachelle Becina and family.jpg
Mahalagang bigyan ng proteksyon ng balat kahit bata pa sila para makaiwas sa kanser sa balat. Source: Rachelle Becina

Ang tag-init sa Australia

Aminado ito kahit sanay sa init dahil galing sa tropical na bansa, iba pa din ang sikat ng araw dito sa Australia. Kaya sinisiguro nito na protektado ang nag-iisa nitong anak na lalaki laban sa dalang peligro ng pagbibilad sa araw.

"Summer here in Sydney sometimes reaches 40 to 43 degrees celsius mas mainit dito at the sun rays is more potent compared to the Philippines.

I can remember may heat wave noon, I was on the train and when I arrived I had to literally run from the platform to my apartment, buti nalang short distance lang. I felt like I was inside the microwave," sabi pa ng inang si Rachelle.

Dahil sa karanasang iyon, ideya ni Rachelle kapag planong lumabas kasama ang anak mino-monitor nito ang forecast ng temperatura bago umalis ng bahay.

"Hindi kami lumalabas kapag matindi ang init. Kung tolerable lang especially for my son nagsusuot talaga ng wide brimmed hat and also for me, kahit cap na lang at sunscreen, then breathable longsleeve much better."

Rachelle Becina and kid.jpg
There are sunscreen bottles for kids with characters and a water base, and it is easy for us parents to introduce them to our kids. Source: Rachelle Becina
Ani Rachelle ngayong panahon mas madali ng makombinsi ang mga bata na lagyan ng sunscreen para may proteksyon kapag nabilad sa araw.

"Children nowadays are very clever, we can explain to them the harmful effects of UV rays through videos and I am just reinforcing what my child has learned from school.

There are some sunscreen bottles for kids with characters and it is water-based so it is easy for parents to introduce them to their children. Rachelle Becina, mum at health professional
Rachelle Becina, mum at health professional
Sa ngayon patuloy ang panawagan ng mga eksperto mula Melanoma Institute Australia sana’y palakasin ang kampanya laban sa melanoma.

At nais ng mga ito na baguhin ang pananaw ng mga Australians tungkol sa kaligtasan sa pagbibilad sa sikat ng araw.

Nananawagan din sila sa pederal na gobyerno na ipakilala ang mga modernised na kampanya, na higit na italaga ang mga sports na nagbibigay halaga sa sun safety at i-target ang mga social media influencers at advertisers na nagsusulong ng pagpapa-tan o tanning culture.

Sinabi din ni Richard Scolyer, mula Melanoma Institute Australia dapat itong ipakita sa pamamagitan ng advertisement sa parehong paraan tulad ng paninigarilyo sa telebisyon.

You don't see people smoking, or driving without a seat belt on, in television ads, without a good reason. So why do you see people sunburnt? Richard Scolyer, Melanoma Institute Australia
Richard Scolyer, Melanoma Institute Australia
Nobenta porsyento ng mga tinamaan ng melanoma ay gumagaling.

Sinu-sino ang mapanganib na magkaroon ng melanoma

  • madalas nakabilad sa araw
  • gumagamit ng indoor tanning, tulad ng tanning beds, tanning parlour o sun lamps
  • may nunal na nag-iiba ang kulat at hugis
  • mga taong mapuputi kumpara sa maiitim
  • may history sa kanser sa balat
  • humina ang immune system

Paano iwasan ang melanoma

  • maghanap ng lilim o masisilungan kapag tirik ang araw
  • gumamit ng payong
  • maglagay ng sunscreen na may broad-spectrum na SPF 50+, kada dalawang oras, lalo na kapag nasa UV index 3 pataas
  • magsuot ng longsleeve (light coloured)
  • magsuot ng wide brimmed hat
  • magsuot ng sunnies
Kung may may napapansin na kakaiba sa balat o nunal agad komunsulta sa GP o doktor.


Maaaring bisitahin ang website ng Melanoma Institute Australia sa melanomarisk.org.au , maari ding bisitahin ang melanomapatients.org.au o tumawag sa support helpline sa 1300-88-44-50

Makigpag-ugnay din sa Cancer Council sa cancer.org.au o tumawag sa Support helpline: 13 11 20 o sa sunsmart.com.au



Ang mga impormasyon sa ulat na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong doktor. 

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand