Ano ang mga benepisyo ng pagiging isang Volunteer sa komunidad?

Youth Volunteers

Volunteers Isa Corpuz and Bianca Moraga find fulfillment in offering free services in the community.

Sa gitna ng pagbaba ng bilang ng mga Volunteers sa panahon ng pandemya, ibinahagi ng ilang migranteng Pilipino ang malawakang benepisyong hatid ng libreng serbisyo para sa mga indibidwal, lipunan, at paghahanap ng trabaho.


Key Points
  • Base sa survey na isinagawa ng Australian Bureau of Statistics noong 2021, bumaba ang bilang ng mga nagsabing sila ay may boluntaryong gawain dahil sa pandemya.
  • Ayon sa pag-aaral, nagkaroon ng mga bagong oportunidad para sa mga mamamayan na makapag-volunteer tulad sa mga serbisyong online.
  • Ang volunteer work ni Bianca Moraga ay nakaimpluwensya sa kanyang desisyon na kumuha ng kursong Community Service sa Australia.
Dahil sa pagvo-volunteer, malaki ang nagbago sa mga plano ni Bianca Mae Moraga, isang international student sa Sydney. Tubong Maynila si Bianca at dumating siya sa Australya noong Oktubre 2022.

Naging aktibong bahagi sya ng isang organisasyon na may layuning wakasan ang problema sa human trafficking at ginawa niya itong inspirasyon upang mas mapalawak pa ang kaniyang kaalaman sa usaping ito.

I applied for the volunteer role before flying here. So it's very fulfilling, especially when the victims are rescued and their lives are restored. It is life-changing that it inspired me to study community services now, so that's why I'm here.
Bianca Moraga

Isa lamang si Bianca sa mga milyun-milyong volunteer workers sa bansa na naglaan ng kanilang oras para makapaglingkod ng walang kapalit.

Ayon sa pinakahuling ulat na inilathala ng Australian Institute of Health and Welfare noong 2019, umabot ng halos anim na milyong katao ang lumahok sa mga volunteer works sa pamamagitan ng mga iba’t ibang organisasyon.

Pero base sa survey na isinagawa ng Australian Bureau of Statistics noong 2021, bumaba ang bilang ng mga nagsabing sila ay may boluntaryong gawain.

Dahil sa lockdown at mga restriskyon,ang iba ay hindi sigurado kung paano magboluntaryo, o kaya naman ang kanilang organisasyon na sinalihan ay huminto o binawasan ang kanilang mga operasyon dahil sa COVID-19.

Ganito ang nangyari kay Isa Corpuz, isa ring international student na tubong Naga, Camarines Sur. Dating volunteer si Isa ng Red Cross Australia ngunit dahil naka destino sa high risk na sektor, natigil ang kaniyang pagbo-volunteer.

" Noong 2020, around February to March, ito na yung mga news na nagsisimula na countries are closing their borders and Australia took action na rin. Of course, aged care facilities full of vulnerable people so they had to close down the facility in a way na, unless you’re a nurse or essential worker, as much as possible minimal contact. So that time, I wasn’t able to visit the person na I was supposed to visit, restricted in a way."

Kahit natigil sa pagiging volunteer, aminado si Isa na malaki ang naging epekto ng karanasang ito para sa kaniyang personal na buhay, maging sa kaniyang propesyonal na tungkulin.

"Para sa akin it is really just the sense of fulfillment, and it actually is helpful in a way kasi after volunteering for Red Cross I actually took a course which involves individual support and I worked in aged care facilities. It really helped me in my credential kasi I didn’t have any work experience in aged care but since I had volunteering experience, it was a good recommendation."

Para masigurong makakamit ang sense of fulfilment, ibinahagi ni Jem Cadiz ang kahalagahan ng pagpili ng organisasyon o proyekto na malapit sa iyong puso.

Kasalukuyang kumukuha si Jem ng Master in Public Health habang nagboboluntaryo sa tatlong organisasyon na para sa mga kapwa international student, sa kalikasan, at sa LGBTQIA+ community.

"Ang pinaka beneficial siguro for me is yung sa climate change. Kasi, I am studying Public Health and I am trying to concentrate sa environmental health so these organisations really helped me especially sa credentials ko, kasi I am trying to penetrate the environmental health promotion side ng Australia, I feel like this is one of them na kailangan — wider perspective, network, connections"

Pakinggan ang kabuoan ng kanilang kwento at panayam.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand