Key Points
- Ayon sa website ng Home Affairs, nangunguna ang Registered Nurse sa mga trabaho na dumaan sa skilled migration mula sa Pilipinas dito sa Australia nitong 2019 hanggang 2022.
- Sa Pilipinas, aabot sa 350,000 nurses ang kulang ayon sa Kagawaran ng Kalusugan.
- Ibinihagi ni Immigration Lawyer Reyvi Mariñas na dapat na maging rehistrado ang nurse sa Australia sa pamamagitan ng AHPRA.
- Ilan din sa mga mahahalagang requirement ang English proficiency para sa mga nurse.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Sa panayam ng SBS Filipino, ibinahagi ng Immigration Lawyer na si Reyvi Mariñas dapat ay makakuha ng lisensya o rehistrasyon mula sa kaukulang ahensya ng pamahalaan sa Australia ang mga nurse bago ito makapagtrabaho sa bansa.
Ilan sa mga opsyon anya na pupwede ay mag-aral sa Australia at dito kumuha ng rehistrasyon bago mag-apply ng skilled visa ngunit paalala ni Ginoong Mariñas na depende ito lagi sa sitwasyon kaya maiging kumonsulta sa mga eksperto.
Iginiit din niyang aralin ang paraan na babagay sa sitwasyon at alamin kung lehitimo ba ang education at migration agency.

Immigration Lawyer Reyvi Mariñas