Sa episode na ito ng ‘Trabaho, Visa, atbp.’, ibinahagi ng Registered Migration Agent na si Gloria Collins ang mga visa option sa Australia at proseso para sa mga IT Professional.
Key Points
- Isa ang mga in demand na trabaho sa Australia ang ICT (Information and Communucation Technology) profession.
- Ang mga trabaho sa Cybersecurity sa ilalim ng ICT Professional ang isa mga may kakulangan sa Australia.
- Skilled Visa ang isa sa mga opsyon na maaring kuhanin ng ICT Professional ay kailangan dumaan sa Skills Assessment.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Sa naging panayam ng SBS Filipino, inilatag ng Registered Migration Agent Gloria Collins kung anu-ano ang mga kakulangan at kinakailangang ICT Professionals sa Australia.
Hinimay din ng migration agent ang mga opsyon at available na visa gayundin ang proseso ng aplikasyon.

Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent sa Australia.





