Ayon sa datos ng World Health Organization noong 2021, nananatiling pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas ang mga sakit sa puso at stroke para sa parehong kalalakihan at kababaihan.
Key Points
- Sakit sa puso at stroke, nangunguna: Ang ischaemic heart disease ang nanguna sa mga sanhi ng kamatayan sa 2021, na may 164.1 pagkamatay kada 100,000 kalalakihan at 118.1 kada 100,000 kababaihan.
- May pagkakaiba sa kasarian: Mas mataas ang bilang ng kababaihang namamatay sa diabetes (33.5) at kanser sa suso (28.1), habang mas madalas namang tamaan ng tuberculosis (45.4) at sakit sa baga ang mga kalalakihan.
- Payo ng mga doktor: Ipinapayo ng mga doktor ang regular na pagpapatingin sa mga GP o espesyalista upang maagapan ang mga sakit na dulot ng pamumuhay at matukoy agad ang mga problemang pangpuso o sa bato bago lumala.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.




