Ibinahagi ni Consul General Charmaine Rowena Aviquivil sa mga international students at bagong opisyal ng Association of Pinoy Students in Australia (APSA) ang halaga ng kaalaman sa proseso ng pagkuha ng mga pangunahing serbisyo mula sa mga Konsulado ng Pilipinas .
Key Points
- Nilinaw ni Vice Consul Frances Cleofas na pagkuha ng finger prints lang ang kanilang serbisyo para sa pagproseso ng NBI Clearance sa Pilipinas.
- Bukod sa Pasaporte, Notaryo at Civil registration, ipinaliwanag ni Consul Emmanuel Guzman ang pagkuha ng Assistance to Nationals.
- Nagbigay ng libreng legal consultation ang samahan ng Abogadong Pinoy sa mga international students.
Share




