Ni-reshuffle ng Punong Ministro Anthony Albanese ang kanyang gabinete at nagtakda ng mga ministro sa ibat ibang portfolio. Bagama't pinagmalalaki niya ang mga ministro na nasa kani-kanilang pwesto sa loob ng dalawang taon, ang pagpalit ay nagrerepresenta umano sa mga makabuluhang pagbabago sa hinaharap.
KEY POINTS
- Ilan sa mga pinakamakabuluhang pagbabago ay ang paglipat kay Clare O'Neil mula sa Home Affairs patungo sa Housing and Homelessness at kay Andrew Giles mula Immigration patungo sa Skills and Training sa outer ministry.
- Si Tony Burke ay hahawak ng ilang mga portfolio kabilang ang Home Affairs, Immigration and Multicultural Affairs, Cyber Security at Arts.
- Nanumpa naman bilang bagong ministro ng Indigenous Australians si Malarndirri McCarthy na dating hinawakan ni Linda Burney.
Share





