Anti-lockdown protest, umani ng samu't saring reaksyon

Australian Anti-Lockdown Activists Gather For "Freedom Rally"

Source: Getty Images AsiaPac

Hindi na napigilan ng ilang residente sa iba't ibang syudad sa Australia ang magpahayag ng kanilang pagkadismaya at galit sa naganap na anti-lockdown at anti-vaccine protest noong Sabado. Nangangamba rin ang pamahalaan sa posibleng pagtaas pa ng kaso ng COVID-19 dahil sa protesta


 Sa gitna ng lockdown at pagtaas ng COVID-19 cases, hindi nagpapigil ang libo-libong anti-lockdown at anti-vaccine protesters sa Sydney gayundin sa Melbourne at ipa bang siyudad sa Australia. 

Ilang kababayan nating filipino ang ikinabahala ang protesta na tinuturing na super spreader event. 

Para kay Dominic Buensalido, isang Filipino Australian nurse sa Melbourne, irresponsable ang naging protesta. 

"We are going towards the end of lockdown na nga dito sa Victoria tapos nagcreate pa ng rally or protest parang we are controlling the number of people na infected pero yung mga ganitong move na very irresponsible na might lead to another outbreak. "

Bagaman naiintindihan niya ang hinanaing ng mga nagrally, anya mas isipin sana nila ang kapakanan ng mas nakakarami. 

Nirerespeto naman ni Jana Orlanda na isang Filipino individual support worker sa Sydney ang opinyon ng mga nagprotesta pero hindi anya sagot ang pagtitipon na ito sa gitna ng lockdown.  

"I respect yung ginagawa nila pero very selfish way of conveying their thoughts and uyung protest nila and put a lot of people in danger, we will be in longer lockdown because of them. "

Hindi man sang-ayon sa naging protesta si jana, pero hindi niya rin sinusuportahan ang mismong vaccination. Anya may biblical reference ito at isa siyang firm believer. 

"I do believe yung binigay satin ni Lord na immune system yun na yun,.. Eventually I will get a vaccine and I plan to avoid ko muna parang idedelay ko lang pero . Honestly, I don't like the vaccine. "

Iba-iba man ang paniniwala,  pare-pareho tayong kailangang harapin ang pandemya kaya dagdag na panawagan ni Dominic:

"Keep yourself healthy alam naman natin na hindi madali ang sitwasyon na ito.. Sabi ko nga hindi naman ito yung gusto natin.. Para sakin.. Hindi rin ito ang gusto ng gobyerno.. Pero ito yung mga steps na ginagawa natin pag isolate, wear ng mask,  quarantine at sanitation .. ito yung mga basic natin na ginagawa paano malaban ang pandemic or infection na nagspread"

Samantala, pinipilit pa rin ng NSW na mapigilan ang pagkalat ng Delta Variant sa estado.  Pero dahil sa naganap na protesta noong Sabado, pinangangambahang mas magiging malala ang outbreak sa Greater Sydney.

Sa pahayag ni NSW Premiere Galdys Berejiklian nitong Linggo, nagtala ng  141 local COVID-19 infections  ang estado at dalawang pagkamatay dahil sa virus

 "A woman in her seventies, but also a woman in her thirties with no pre-existing conditions. So if anybody thinks this is a disease just affecting older people, please think again."

Nakilala ang nasawi na isang 38 year old Brazilian AT temporary visa holder na dinala sa Royal Prince Alfred Hospital.

Kinumpirma ng Brazilian Embassy AT Brazilian Consulate sa Sydney na handa sila magbigay ng tulong sa pamilya nito

Samantala pinasalamatan ni premiere Gladys Berejiklian ang 102,000 na residenteng nagpatest nitong weekend

Kasunod ang pahayag nang pagkasuklam sa lahat ng dumalo sa anti-lockdown protest nitong sabado.

"We don't want a setback. And yesterday could have been a setback, time will tell. But I'm just so utterly disgusted, disappointed and heartbroken that people don't consider the safety and wellbeing of their fellow citizens."

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand