Pag-aabang sa federal budget sa gitna ng housing crisis

Sa papalapit na pagsasapubliko ng Australian Federal Budget, maraming indibidwal at pamilya sa buong bansa ang naghihintay ng mga hakbang at tulong na maaaring tugunan ang kanilang mga hamon sa pagtaas ng bayad sa upa, interest at mortgage.


Key Points
  • Epekto ng pagtaas ng presyo ng upa, mortgage, at presyo ng properties
  • Federal Greens kontra sa $10B Housing Future Fund
  • Pag-asa sa federal budget upang masolusyunan ang kasalukuyang problema sa pabahay
Inaabangan ngayon ng marami dito sa Australya ang federal budget na nakatakdang ihayag mamayang gabi.

Ang tanong nang ng karamihan, masosolusyunan kaya nito ang kasalukuyang krisis sa mga pangunahing gastusin lalo na sa bahay, gaya ng bayad sa upa at mortgage.

Ayon sa pananaliksik ng property data firm na CoreLogic, lumabas na tumaas nang 2.5% ang renta sa unang tatlong buwan ng taong 2023.

Sa report naman ng Power Housing Australia na base sa data ng CoreLogic, umaangat sa $577 nitong Abril ang $440 kada linggong upa noong Enero.

Rental crisis deepens in Sydney.
Rental crisis deepens in Sydney. Source: Getty / Getty Image

Maging ang mga may-ari ng bahay, humaharap din sa hamon ng pagtaas ng mortgage repayment matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng interest. Tumaas rin ang presyo ng mga properties na pasakit naman sa mga nagnanais makabili ng bahay.

Ang problemang ito, balakid raw sa pangarap na bahay ng nurse na si Nancy Manalastas .

"Right now, nag-iipon kami para sa bahay kasi dapat last year pa o two years before nag-iisip na kami na bumili ng bahay pero dahil nga sa naging, nagkaroon ng inflation mataas lahat, pati 'yung interest 'di ba, nagtaasan na rin hindi kami makaka-afford makabili ng bahay so hanggang ngayon nagrerent pa rin kami.'"
NANCY MANALASTAS
NANCY MANLASTAS PHOTO Credit: NANCY MANALASTAS
Kaya pansamantala, nangungupahan muna sila nancy. Pero dahil sa pagtaas ng mga gastusin dito sa australya. Noong nakaraang taon, kinailangan rin nilang lumipat ng tirahan sa mas murang paupahan.

"Dati, last year nasa ano kami nasa, $620. So tumaas lahat ng bilihin, ang ginawa namin, lumipat kami sa mas cheaper na nao na rent na naging $380. Ahhm sa ngayon kung dalawa kayo ng nagtatrabaho okay lang, kaya naman pero kung mag-isa ka lang, medyo mabigat yung $380."

Pero, malaking adjustment rin ang kanilang hinaharap matapos lumipat sa bahay na may mas murang renta.

"Number one 'yung ano, yung sa groceries, mas kaunti ngayon. For example 'yung per week one hundred 'yung budget namin ,mas konti ngayon yung nabibili namin compare dati. tapos sa layo din na kung saan ka naglipat na mas mura, usually yung mga murang rent medyo malayo siya sa station malayo sya sa City. 'Yung travel time mo to work din mas longer at saka 'yung padala sa Pilipinas diba. medyo babawaan natin ng kaunti kasi lahat dito nag taas. kailangang mag adjust-adjust din saka yung saving mas mababa yung nacocontribute namin ngayon compare last year."
NANCY MANALASTAS PHOTO
NANCY MANALASTAS PHOTO Credit: NANCY MANLASTAS
Kung sakaling matugunan ng ilalabas na federal budget mamayang gabi ang hinaing ng ilang mga gaya ni Nancy, na kasalukuyang nangungupahan, at ng mga nagnanais na magkaroon ng sariling bahay, malaking ginhawa ito sa kanila na kasalukuyang naghihigpit ng sinturon.

"Maganda 'yon kasi mas makaka-save kami ng more, tapos ma aafford namin yung bahay na gusto namin. Hopefully 'yung interest bumaba rin."

Nauna nang ipinabatid ni Adam Bandt pinuno ng Federal Green, na nais nitong makita ang pagtugon ng pamahalaan sa krisis na ito. Aniya, kailangan daw maglaan ng malaking budget para sa pabahay bago ang inaasahang federal budget mamayang gabi.

Nananawagan rin sila na magkaroon ng national rent freeze.

Patuloy pa rin ang pagtutol ng partido greens sa 10 bilyong dolyar na housing future fund ng Labor Party, na naglalayong makapag bibigay ng 30,000 bagong social and affordable housing properties sa loob ng limang taon.

Sinabi ni Bandt na ang pondo ay hindi pa sinosoporthan ng partido greens sa ngayon, pero maari aniya itong pagnegosasyonan.

"There's not a guaranteed dollar that's going to be spent on housing. If the fund loses money like it did last year, then there is no money spent on public housing, even if the fund comes into effect, you won't see a single house built before the next Federal Election and at the end of the fund, the waiting list is going to be longer than it is now. We have made it very clear to the Government we are up for negotiation and the ball is in the Government's court." , - Adam Bandth.

Para naman kay Senator Jordon Steele-John ng Federal Greens, hindi sapat ang 10 bilyong dolyar na ito.

Aniya, ang housing future fund ay tila pagsusugal ng pamahalaan sa stock market upang kumita ng pera para sa pabahay.

housing.jpg
"Let's just step back for a moment and think about that as a mechanism for funding what is, essentially, an essential service. You wouldn't fund health, or hospitals, or education more broadly, by putting money on the stock market, and hoping the return would be enough to build schools or fund hospitals. So why would we treat housing that way? It just doesn't make sense. That's why the Greens want to see a direct investment from the government into affordable housing to actually build people the homes they need." - Senator Jordon Steele-John

Sinabi ng Federal Greens na ang pamahalaan ay nagsasayang ng pera sa patuloy na pagsasagawa ng tinatawag na 'stage three tax cuts' sa budget na ito.

Anila, mayayamang tao ang may pinakamallaking nakikinabang sa budget na ito.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand