Sinabi ng Pamahalaang Victoria na kinukunsidera nito kung paano magpapatuloy matapos na ipawalang-saysay ng Hukuman ng Pag-aapela (Court of Appeal) ang hamong pambatas nito sa pagpapasya ng Korte Suprema na ang paglalagay ng mga tinedyer sa bilangguan ng may sapat na gulang na may tinatawag na maximum-security ay hindi naaayon sa batas.
Ang kaso ay tungkol sa grupo ng mga kabataang detenido na inilipat sa Bilangguan ng Barwon matapos na ang pasilidad na kinaroroonan nila ay nawasak bunga ng mga kaguluhan.
Share




