Ang mga kabataan ay may mahalagang papel sa mga kaganapan sa komunidad

Philippine Christmas Festival

Source: RMasinag/SBS Filipino

Ang partisipasyon ng mga kabataan ay mahalaga sa paghahanda sa mga kaganapan sa komunidad katulad ng katatapos lamang na ‘Philippine Christmas Festival 2018’, ayon sa isang Pilipinong lider ng mga kabataan sa Sydney.


Binigyan ng pagpapahalaga ni Vida Fernandez, na siyang nagtatag ng grupong ‘Association of Pinoy Students in Australia’ o APSA, ang papel ng mga nakatatandang henerasyon sa kanilang paggabay upang matagumpay na maisagawa ang kaganapan sa komunidad tulad ng ‘Philippine Christmas Festival.’ Ngunit kanyang binigyang-diin din ang kahalagahan ng mga bagong ideya na maaari lamang makuha mula sa mga kaisipan ng nakababatang henerasyon.

“We respect the current leaders in our community. We take them as mentors. Iyong mga current, iyong mga youth, meron silang fresh ideas we could incorporate,” pahayag ni Vida sa SBS Filipino.

Sa partikular na kagananapang ito, ang mga miyembro ng grupo ay naging aktibo sa paghahanda, kabilang ang paglalagay ng mga ‘banners’ at pagbibigay ng suporta sa mga VIPs at mga nagtanghal.
Philippine Christmas Festival 2018
Source: RMasinag/SBS Filipino
Ayon kay Ms Fernandez, itinuturing na niyang parang sariling anak ang mga miyembro ng kanilang grupo. Ipinagmamalaki din niya ang malaking naitulong ng mga miyembrong volunteers sa partisipasyon nila sa idinaos na Philippine Christmas Festival. 

Ang APSA ay isang grupo sa ‘online community’ na binuo noong 2014.  Bukas ang grupo sa lahat ng mga ‘international students’ mula sa Pilipinas na nais sumali. 

Ang kanilang grupo ay mayroong iba’t-ibang mga gawain katulad ng sports festival, mga pagtitipon, at mga pagboboluntaryo sa mga kaganapang may kaugnayan sa komunidad Pilipino.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Ang mga kabataan ay may mahalagang papel sa mga kaganapan sa komunidad | SBS Filipino