Pista ng Sto. Niño, ipinagdiwang sa Canberra

Archdiocese of Canberra celebrated the Sto Nino festival

Archdiocese of Canberra celebrated the Sto Nino festival Source: Daniel Deleña

Pinangunahan ng Arsobispo ng Canberra at Goulburn Christopher Prowse at Filipino priest Anthony Riosa ang selebrasyon sa St Christopher Cathedral.


Highlights
  • Matapos sa Pista ng Sto. Niño o Sinulog Festival, inaantabayan ang iba pang tampok na festival sa Fiesta Filipinas na inilunsad ng Philippine Embassy online.
  • Update din sa Canberra, Simula ika-12 ng Pebrero, hindi na mandatory na mag-check-in gamit ang Canberra check-in app sa lahat ng establisyimento na papasukin sa kapitolyo.
  • Opisyal nang nagbukas ang Parliamentary sitting sa Capital Hill at magkakaroon lamang nang anim na linggo ng sitting weeks bago ang eleksyon..
Masayang idinaos ang pista ng Sto Nino o Sinulog festival sa St Christopher Cathedral noong nakaraang linggo, ika-6 ng Pebrero.

Pakinggan ang audio:
Pinangunahan ng Arsobispo ng Canberra at Goulburn Christopher Prowse at Filipino priest Anthony Riosa ang selebrasyon.

Kagaya ng nakagawiang tradisyon sa Pilipinas, isinayaw papasok nang simbahan ang mga replika ni Sto Nino nang mga kababaihang Filipino na miyembro ng Philippine Cultural Society na may suot ng makukulay na costume at headpiece.
Archdiocese of Canberra celebrated the Sto Niño festival
Archdiocese of Canberra celebrated the Sto Nino festival Source: Daniel Deleña
Nasiyahan ang ibang mga nasyonalidad na natunghayan ang dance presentation sa loob ng simbahan.

Matapos ang misa ay isinayaw naman sa tapat ng simbahan ang mga replika na parte ng pagdiriwang.

Ang Sinulog-Sto Nino Festival ay ginaganap taun-taon sa ika-tatlong linggo ng Enero. Nakasentro ang selebrasyon sa siyudad ng Cebu sa Pilipinas.
Archdiocese of Canberra celebrated the Sto Nino festival
Archdiocese of Canberra celebrated the Sto Nino festival Source: Daniel Deleña

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand