Mahilig sa paglalaro ng volleyball o basketball? Naghahanap na sumali sa isang pangkat o anumang grupo na mahilig sa paglalaro ng isport?
Maraming grupo ng mga Pilipino na mahilig sa isport na maaari kang makipaglaro at paunlarin ang iyong mga kasanayan sa isport - maging ito ay basketball, volleyball, badminton, tennis at table tennis.
Kinausap ni Papa Dan si Ron Arosa, ambasador ng Sydney Filoz Volleyball tungkol sa kamakailang Sydney Cup na ginanap sa Sydney Olympic Park at iba pang mga aktibong grupong Pilipino sa Sydney.









