Isang mundo na "[…] pulitikal, konseptwal at ekonomikal na nagbabago" ay may epekto sa sining at kultural na produksyon, ayon kay Vicente Butron.
Dagdag niya, na ang mga alagad ng sining ay "may tungkulin na tugunan kung paano ginagawa ang mga bagay, kung paano tinutugan ang mga bagay bilang mga kultural na tagapaggawa.
Ang mga umiiral na istraktura sa mundo ng sining ay nangangailangan ng pagsuri sa pagsa-alang-alang ng papel nito sa pampublikong diskurso.
Nakikita ni Butron ang mga hamon na dala ng kawalang kakayahan ng mga relihiyon na kumilis kasama ng mundo bilang babala sa mundo ng sining at mga alagad ng sining.
Si Vicente Butron ay isang visual artist na nagpapatakbo ng isang design studio, kasabay ang trabaho bilang sessional lecturer sa National School sa Sydney. Nagpalabas siya ng kanyang mga likha sa maraming lugar sa mundo, at sa Australya, magbuhat nang matapos niya ang kanyang kurso sa Sydney College of Arts noong 1984.
Kinausap siya ng aming kasamang Jake Atienza tungkol sa kanyang trabaho. Pakinggan natin ang panayam s wikang Ingles