Si Dr. Hal Hill ay mula sa Department of Economics, Crawford School ng ANU College of Asia and the Pacific, at ang kanyang pangunahing interes sa pananaliksik ay ang pang-ekonomiyang pag-unlad ng Timog-silangang Asya. Ibinahagi niya ang kanyang mga pananaw sa mga benepisyong diplomatiko at pangangalakal ng naturang espesyal na summit.

ANU College of Asia and the Pacific's Dr Hal Hill (ANU website) Source: ANU website
Ang pagtitipon na ito na dinaluhan ng mga pinuno ng 10 miyembro-estado ng Association of South East Asian Nations kung saan tanging ang Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte ang hindi dumalo, ay marka ng isang bagong panahon ng pakikipagsosyo na layuning palakasin ang magkasamang kontribusyon sa seguridad sa rehiyon, kalakalan at mas malaking pagkakataon para sa mga negosyo.
Nagbigay din ng pananaw si Dr. Hill tungkol sa kung anong mensahe ang maaaring maiparating ng hindi pagdalo ni Pangulong Duterte sa Australia at iba pang mga miyembrong estado.
Ito ang unang pagkakataon na punung-abala ang Australya sa isang summit kasama ng Pinuno ng ASEAN na ginanap sa Australia.