Nabigyang-inspirasyon ng kanyang ama na si Elmer Bedia na tinawag na Mr. Football ng Pilipinas, ang batang tagapagtaguyod ng football ay bumalik sa bayan ng kanyang mga magulang sa Barotac Nuevo sa Iloilo upang patuloy na itaguyod at tulungan ang iba na matuklasan ang football hindi lamang bilang isang isport kundi upang maglingkod na makapagturo sa mga kabuluhan ng buhay.
Si Luck Anthony Bedia ay ang ambasador at Direktor para sa Grassroots Development ng IHIP - Initiatives and Hearts for Indigenous People. Ang grupo ay nakikipagtulungan sa mga Katutubong tao upang makibahagi ang mga ito sa komunidad sa pamamagitan ng mga hakbangin ng palakasan, lalo na ng football.
Ang football ay malaking bagay sa Barotac Nuevo, Iloilo. Ang bayan ay opisyal na kilala bilang Football Capital of the Philippines."

Luck Anthony "LA" Bedia (far right) before their football training in Iloilo. (Elmer Lacknet Bedia Football Academy) Source: Elmer Lacknet Bedia Football Academy
Ang batang manlalaro ng football at coach ng ELBFA ay nangangarap na makapagtatag ng isang paaralan ng football sa Pilipinas upang magbigay sa mga kabataan ng mga kalidad na programa ng pagsasanay upang gawin silang mahusay sa football at umaasa siya na makita ang paglago ng football sa Pilipinas na tulad sa Europa.

Players at the 1st IP Cup Football Festival organised by Initiatives and Hearts for Indigenous People (Supplied by LA Bedia) Source: Supplied by LA Bedia