Highlights
- Nagpahayag ng suporta sa Pilipinas at pagkabahala ang Australia, US, Japan, France, Germany at UK kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal
- Naganap ang pagharang at pagbomba ng water cannon sa mga bangka ng Pilipinas sa loob ng exclusive economic zones at continental shelf
- Patuloy naman na magbabantay ang mga sundalong Pilipino at magpapatrolya ang mga barko at eroplano ng Pilipinas sa West Philippine Sea ayon sa AFP
Nagpahayag ng pagkabahala ang Australia sa naganap na insidente sa Ayungin Shoal. Binigyang diin ni Australian Ambassador to the Philippines, Steven Robinson, ang patuloy na pakikipagtulungan ng Australia sa Pilipinas ukol sa maritime issues.
" Australia has consistently expressed support for the UNCLOS, the 2016 South China Sea Arbitral Award and an open and inclusive region. We continue to work with and support our PH partners on maritime issues and are concerened with the recent destabilising incidents in the SCS."
Base sa pahayag ng Estados Unidos nitong Biyernes, nananatili umano itong kaalyado ng Pilipinas sa isyu ng South China Sea o West Philippine Sea.
"The United States stands with our ally, the Philippines, in the face of this escalation that directly threatens regional peace and stability," ayon kay State Department spokesman Ned Price.
Tinutulan din ng Japan ang mga pagtatangka na guluhin ang status quo sa region’s waters.
Matatandaan na hinarang at binomba ng water cannon ng tatlong Chinese Coast Guard vessels ang dalawang bangka ng Pilipinas na maghahatid sana ng supply sa Ayungin Shoal noong ika 16 ng Nobyembre.