Australia umangkat ng 25 milyong doses ng Moderna vaccine

کارکنان کارخانه واکسن سازی مادرنا در ماساچوست

کارکنان کارخانه واکسن سازی مادرنا در ماساچوست Source: AAP

Australia umangkat ng 25 milyong doses ng bakunang gamot na Moderna mula sa America. Pinag-uusapan naman ng mga eksperto dito sa bansa ang paggawa ng ganitong klase ng gamot kontra COVID-19. Bwelta tuloy ng ibang politko, usad-pagong ang aksyon ng gobyerno ngayong may pandemya.


Highlights
  • Federal government nagpalabas ng pundo sa halagang $3 milyong para mapabilisan ang paggawa sariling bakuna kontra COVID-19.
  • Victoria Acting Premier James Merlino, hindi masaya dahil walang binigay na pundo para sa bagong quarantine hub.
  • Pagpasok ng mga internation students sa bansa patuloy pa din pinag-uusapan ng gobyerno, mga unibersidad sa Australia nagkukumahog matapos ang lugi ay pumapalo na sa $2 bilyon ngayong 2021.
Inanunsyo ni Australian Health Minister Greg Hunt darating sa katapusan ng taon ang 10 million dozes ng gamot na Moderna COVID-19 vaccines. Ang karagdagang 15 milyong doses naman ay ihahabol sa taong 2022. Gawing geserbang gamot yan para pag-handaan kung meron magiging problema sa supply ng gamot na Pfizer at Astrazenca na kasalukuyang ginagamit ngayon dito sa bansa. Tinitingdan din ito  para gamiting mga booster shots at bakuna kung sakaling may makapasok na ibang variant ng virus.

"we don't know everything that will occur with this pandemic," sabi ni Hunt.

Ang moderna vaccine ay ginagamit na sa mga bansang US, Canada, Britain, European Union , Korea , Japan at Israel. Pero kahit subok na ito sa ibang bansa, kailangan pa din ang approval ng Therapeutic Goods Administration bago ito gamitin dito sa bansa. Tanong tuloy ni Labor's Spokesman Mark Butler, bakit sobrang bagal ng pagbili ng mga gamot ng bansa, kaya usad-pagong din ang pagbababakuna.

"if the rest of the world struck deals with Moderna, why do Australians have to wait until the end of this year? What happened with Scott Morrison's promise that Australians were at the front of the vaccine queue?" bwelta ni Bulter.

Paliwanag ng eksperto ang Moderna ay isang M-R-N-A vaccine. Sa ngayon di umano kayang gumawa ng bansa sa ganitong klase ng gamot. Pero sa tantsa nito, sa susunod na mga araw ilang kompanya iimbitahan matapos nagpahayag ng intensyong magagawa nila dito sa bansa ang ganitong klase ng gamot. Ayon kay Health Department Secretary Brendan Murphy posible umanong sa susunod na taon sisimulan na dito sa bansa ang paggawa ng gamot laban sa Coronavirus. Posible din itong gawing gamot panlaban sa flu.

"our primary vaccination strategy is in no way dependent on this. But m-R-N-A vaccine technology is likely to be much broader than COVID vaccine. So it is something that we in Australia need to have anyway," dagdag pa ni Murphy.

 

Sa ngayon ang University of South Australia at Adelaide based biotechnology company Sementis ang nagtutulungan para gumawa ng gamot, na ayon sa Chief Scientific Officer sa Sementis, Professor John Hayball, di ito pwedeng mamadaliin dahil hindi pwedeng hulaan lang kung gagana ba ang gawang gamot  kontra sa mapanganib na Coronavirus. Kailangan din nila ng mas malaking pundong tulong mula sa federal na gobyerno para tapusin ang  buong proseso.

"we hope to have clinical trials start within 18 months. Hopefully within six months of that we will have results from our phase one safety and efficacy studies," sabi ni Hayball.

Sa ngayon walang bagong lokal case na naitala sa estado ng victoria sa loob ng dalawang araw, nitong Martes lang

isang lalaki ang nagpositibo matapos ang dalawang linggong hotel quarantine. Pero lumabas sa ginawang imbestigasyon , nahawa ang lalaki habang nag quarantine sa Adelaide. Samantala ayon kay South Australia's Chief Health Officer Nicola Spurrier patuloy pa ang kanilang imbestigasyon ng kung paanong nangayari na ang hawaan ay sa loob mismo ng hotel quarantine sa Adelaide.

"We had infrastructure staff who went and checked the two rooms that we were interested in yesterday. And there is nothing that has come out of that investigation that gives us an explanation about how the person who returned to Victoria could have got infected," kwento ni Spurrier.

Kaya ayon kay Victoria  Acting Premier James Merlino, sa ganitong pagkakataon kailangan ang tamang quarantine facility, na noon pa man ay kanila ng hinihingi na sanay bigyan nga pundo. Dahil sabi nito kahit saang anggulo may dalang peligro ng hawaan ang pag-hotel quarantine ng isang tinamaan ng virus.

"I'm thankful for the positive comments from the Prime Minister over the last week or so. Disappointed that there was not money on the table in the budget that was delivered this week by the federal government," sabi ni Merlino.

Samantala, dahil nag-paplano na ngayon ang NSW government na ibalik ang international students ngayong taon dapat talaga ang tamang quarantine facility. Bagay na sinang-ayunan ni Prime Minister Scott Morrison pero sa kanyang panayam sa 2-GB, gustuhin man nya hindi ganun kadaling buksan ang international border. 

"'the Premier and i have already discussed these matter before. And they have been working away on this. And we have always said that we want to be working with the states and with the sectors about how they can address these issues. And we will be working co-operatively with them," sabi ni Morrison.

Dahil dito nagpahayag ng kanilang pagkabahala ang mga unibersidad dito sa Australia, ayon kay Chief Executive  Catriona Jackson na kung patuloy na walang makakapasok na pundo ngayong taon, lulubo ang lugi ng industriya at inaasahang papalo sa $2 bilyon ngayong taon.

"No sector can sustain those sorts of loses without real damage. Real damage to the nation. Real damage to our ability to be productive and recover,"sabi ni Jackson.

Para sa karagdagang impormasyon at hakbang sa pangontra ng coronavirus sa inyong wika bisitahin ang www.sbs.com.au/coronavirus.

 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Australia umangkat ng 25 milyong doses ng Moderna vaccine | SBS Filipino