Noong Lunes ng gabi sa National Arboretum, pinarangalan si Grace Tame mula sa Tasmania bilang Australian of the Year para sa kanyang adbokasiya upang paigtingin ang karapatan ng mga biktima ng sexual assaults. Bukod, kay Grace Tame, pinarangalan din sina Dr Miriam-Rose Ungunmerr-Baumann bilang Senior Australian of the Year, Isobel Marshall bilang Young Australian of the Year at Refugee advocate Rosemary Kariuki bilang Local Hero.
Highlights
- Tuloy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng Covid-19 testing dito sa kapitolyo
- Magsisibalikan ang mga politiko sa kapitolyo sa susunod na linggo para sa pagbubukas ng Parliamento ngayong taon
- Naggawad ng parangal si Punong Ministro Scott Morrison para sa mga natatanging Australyano
Meron ding konsyerto na ginawa sa Stage 88 kahapon kung saan ilan sa mga kilalang Australian singers ay nagperform kagaya ni Darly Braithwaite and James Reyne. Kahit pa medyo inulan ang selebrasyon, tuloy pa rin ang kasiyahan. Nagliwanag din ang National Carillon kung saan prinoject dito ang mga nagsipagwagi sa Australian of the Year awards.




