Kasunod ng mga kasong kinasasangkutan ng mga rehistradong migration agents na umano’y nagbigay-daan sa mga hindi awtorisadong tao na magbigay ng immigration assistance, pinaalalahanan ang mga visa applicant na maging mas maingat sa pagpili ng migration professional. Ipinaliwanag ng isang migration agent kung paano i-check ang registration, ano ang tinatawag na “front agent”, at anong mga senyales ang dapat bantayan bago kumuha ng migration assistance.
Key Points
- Pinaigting ng Australia ang pagbabantay laban sa mga “front agents” at iba pang uri ng hindi awtorisadong immigration assistance.
- Maaaring i-check ng mga aplikante sa official OMARA register kung rehistrado ang kanilang migration agent at kung valid ang kanyang MARN.
- Dapat maging maingat sa mga garantisadong visa approval, pressure na agad magbayad, at sa sitwasyong ibang tao ang nagbibigay ng migration advice kaysa sa rehistradong agent.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.
Share





