Nagdesisyon sila na i-kwarantin ang dose-dosenang mga medikal na kawani sa isang ospital sa Sydney at mga nagta-trabaho sa isang aged care home.
Sa North Ryde Hospital sa Western Sydney, isinailalim sa quarantine ang 40 mga kawani matapos na mapag-alaman na nakasalamuha ng mga ito ang doktor na nasuri na may sakit sa unang bahagi ng nitong linggo.
At sa kalapit na Macquarie Park, 11 katao ang nakahiwalay matapos na magpositibo ang isang matagal ng empleyado doon.