Pitong Australian delegates ang tumungo ng Pilipinas noong ika-17 ng Agosto para sa AU Political Exchange Council na naglalayon na hasain at ipakilala ang political system ng Pilipinas sa mga mga susunod na henerasyon ng mambabatas at politiko mula Australya.
Key Points
- Bibisita ang delegasyon sa Bohol at Metro Manila kung saan magkakaroon silang ng opportunidad na makisalamuha ang ilang sa mga national and local government officials.
- Ang Philippine delegation ay bumiyahe sa Australya noong nakaraang Mayo, kabilang sina Ronin Leviste, vice mayor ng Batangas, at Mona Celine Yap na siyang nagsilbing exchange coordinator.
- Ang grupo ang ika-13 delegasyon mula sa Australya.
Sa ibang balita, gaganapin ang 16th Filipino Communities Council of Australia national conference dito sa kapitolyo sa ika-14 ng Oktubre. Ang tema ng pagtitipon ng Filipino community leaders ay Lead and Prospoer, Share and Care: Communities Collaborating to Succeed.
Samantala, muling magbabalik ng Floriade Festival sa kapitolyo. Ang festival na may temang Floral Wonderland ay maguumpisa sa ika-16 ng Setyembre na tatakbo ng apat na linggo.





