Tila matagal ang anim na taon para sa ilan, ngunit para kay Philippine Consul General Anne Jalando-on Louis ito ay matagumpay na anim na taong katungkulan sa Australya. Larawan: Philippine Consul General para NSW Anne Jalando-on Louis habang kinakapanayam (SBS Filipino)
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naipatupad ang mga kapansin-pansin na mga gawain at mga pagbabago sa Konsulado ng Pilipinas sa Sydney kasabay ng hindi mabilang na mga pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa komunidad Pilipino sa kabuuang New South Wales.
Binalikan ni Congen Jalando-on Louis ang kanyang anim na taong panunungkulan na magtatapos nitong Hunyo.
Share