Australians inihabla ang kompaniyang VW sa Pederal na Hukuman

Lead plaintiff Robyn Richardson (centre) outside court Source: SBS
Ilang kaso ng aksyon laban sa higanteng kumpanya ng kotseng Volkswagen, ang sinimulan sa mga korte pederal ng Australya, nitong nagdaang linggo. Inamin ng kumpanyang German, na gumamit sila ng software, upang mandaya sa lebel ng emisyon ng kanilang sasakyan sa Estados Unidos, pero sinabing hindi sila sumuway sa ano mang batas sa Australya. Itinutulak ng mga may-ari ng kotse, ang kasong maaring umabog sa milyon-milyong dolyar na kabayaran mula sa kumpanya, katulad ng ini-ulat ni Evan Young at Matt Connellan, na isinalin namin sa ating wika.
Share



