Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Australia pangalawang pinaka-malaking gumagamit ng meth: ulat

site_197_Filipino_654360.JPG

Ang paggamit ng Australya ng ilegal na gamot ay lumalala at umaabot na sa punto ng krisis, pagkatapos ng pinaka-detalyadong imbestigasyon na naisagawa. Larawan: droga kinumpiska ng kapulisan sa Victoria noong Pebrero, 2017 (File Image: AAP)


Kinumpirma ng Australian Criminal Intelligence Commission sa isang kauna-unahang ulat na ang ice o shabu ay ang paboritong ilegal na gamot na ginagamit sa buong bansa, subalit hindi lamang iyan ang ilegal na gamot na lumilikha ng mga problema.

Ang Australia ay pangalawa sa 18 bansa sa paggamit ng methylamphetamine, ayon sa ulat. Sinabi din ng ulat na sa mga bansa sa Europeyo kung ikukumpara sa naiulat na petsa para sa apat na karaniwang stimulant na isina-alang-alang (MDMA o ecstasy, cocaine, amphetamine at methylamphetamine), Australia ang ikalawa sa may pinakamataas na kabuuang tinatayang konsumo sa pangkalahatan.

National wastewater drug monitoring program
Data from Australian Criminal Intelligence Commission. Source: www.acic.gov.au

Ang pinakaunang ulat ng Australian Criminal Intelligence Commission ay kumimpirma na ang ice ang iligal na gamot na pinipili sa buong bansa, ngunit hindi lamang iyon ang tanging droga na nagiging sanhi ng mga problema.

Snapshot

* Ang ulat na ito ay sumasaklaw sa tinatayang 58 porsyento ng populasyon ng Australia -- nasa 14 na milyon.

* Alkohol at tabako ang pinaka-kinukonsumo sa lahat ng estado at teritoryo.

National wastewater drug monitoring program
National Wastewater Drug Monitoring Program (www.acic.gov.au) Source: www.acic.gov.au

* Methylamphetamine, na kilala rin bilang ice, ang pinaka-ginagamit na iligal na droga na sinusubukan sa lahat ng rehiyon sa Australia

   - Ang mga kabiserang lungsod na sinuti sa Tasmania at ACT ay nagpakita ng pinakamababang antas sa buong bansa

   - Ang mga kabiserang lugar sa SA ay mas mataas kaysa sa anatas sa mga rehiyonal na lugar sa SA

    - Ang mga lugar sa Queensland at SA ay nagpapakita ng tuluy-tuloy na pagtaas sa antas sa nakalipas na limang taon

    -WA ay may pinakamataas na antas, sa parehong mga lugar sa mga siyudad at rehiyonal, lagpas sa pambansang average

* Kumpara sa methyamphetamine, ang pagkonsumo ng ibang pampagising (stimulant) sa pangkalahatan ay mas mababa

* Ang pagkonsumo ng Oxycodone at fentanyl (ipinagbabawal man o hindi) sa buong nasasakupan ay nasa nakababahalang antas

National wastewater drug monitoring program
Methylamphetamine and cocaine consumption (www.acic.gov.au) Source: www.acic.gov.au
National wastewater drug monitoring program
Consumption of other substances (www.acic.gov.au) Source: www.acic.gov.au

Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now