Ani ni Frydenberg na ang suntok na ito sa badyet, ay nagpapakita ng gastos sa pagprotekta sa mga buhay at kabuhayan sa gitna ng pandemya ng coronavirus.
Mga highlight
- Ang pangako noong nakaraang taon na $5-bilyong dolyar na surplus ay bumulusok sa $85.8 billyong dolyar na depisit.
- Binura nito ang tinatantsa sana na $6.1-bilyong dolyar na surplus ng $184.5 bilyong dolyar.
- Ang pinakabagong mga numero ay resulta ng $187.5 bilyong dolyar na paggasta para sa stimulus package at sa kalusugan.