Key Points
- Nakatakdang isara ang lahat ng 3G network sa buong Australia sa Oktubre.
- Pinapayuhan ang mga Australyano na suriin ang kanilang mga technology device at kagamitan na umaasa sa 3G, kabilang ang mga medikal na device.
- May mga panawagan para sa higit pang komunikasyon kung paano maiuulat ng mga tao ang pagkawala ng serbisyo habang nangyayari ang pag-shutdown - at isang pangmatagalang pag-audit ng probisyon ng serbisyo.
Natakdang itigil ang paggamit ng 3G network nitong katapusan ng Agosto, ngunit nagbigay ng dagdag na dalawang buwan pa matapos magbabala ng mga tagapagtaguyod na maraming mga Australyano ang nananatiling hindi handa para sa pag-pagtransition.